Pamagat: Yagit
Ako'y palibo'y liboy sa daan,
Paglalakad ko'y tila ba'y walang hangganan.
Mga mata nila'y tila ba'y ako'y dinidiktahan,
Sa tuwing ako'y daraan sa kanilang harapan.
Kumukulom na sikmura ay normal ko ng nadarama
Sapagkat ang pang araw araw na pangangailangan ay tila ba'y pinagkaila.
Tira tirang pagkain at kagamitan sa mabahong gilid ng daan
Aking pinagtyatagaan para aking buha'y madagdagan.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang hudyat ng paghahanap na aking masisilungan. Masisilungan na ka'y hirap matagpuan saan man.
Mga butil ng ulan na patuloy na bumabagsak sa daanan,
Kasabay ng panghihina ng aking pakiramdam sa tuwing dumadapo ito sa aking pangangatawan.
Buhay may ka'y hirap sa tulad naming mga yagit
Mga alaala na aming binubuo ay kay hirap namang makamit.
Kami ma'y walang matatawag na tahanan at masisilungan
Pero matatawag naman naming buhay ang mga daanan.
Random Tagalog Poem Collection #7
Isinulat ni: TheMoodyGae
BINABASA MO ANG
Random Tagalog Poem Collection
RandomTheMoodyGae Poem Collection ® • Random Tagalog Poem Collection A collection of poem written in Tagalog Language. It comes with a variety of topics such as: Love, Journey, Struggles, Success and other.