RTP8 - Nasaan Ako?

1 0 0
                                    

Pamagat: Nasaan Ako?

Sa gitna ng magulong mundo,
Nandito ako sa aking kwarto.
Nakatingin sa kalangitan,
O Kay ganda namang pagmasdan.


Sa mga nagkikislapang mga bituwin,
Kinang ko'y san ba hahanapin?
Buwan na ka'y linaw at tingkad,
Sa mundo bang ito'y ako'y nararapat?


Kasabay ng paghampas ng malamig na hangin,
Pakiramdam ko'y buhay ay para bang nasa isang bangin.
Buhay na para bang nasa isang laro,
May mga magtatagumpay at may mga mabibigo.


Kasabay nang pagpapalit ng araw at buwan,
Ay ang pagpapalit ng isang buhay na hiniram.
Tayo'y binigyan ng isang temporaryong buhay,
Kaya dapat natin itong gawing masagana't makulay.

Random Tagalog Poem Collection #8
Isinulat ni: TheMoodyGae

Random Tagalog Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon