RTP9 - Tagong Sayaw ng Buhay

1 0 0
                                    

Pamagat: Tagong Sayaw ng Buhay

Ako'y nandito sa isang entablado,
Sinasabayan ang ritmo ng tugtog na hindi para kanino.
Habang ang nakakapasong ilaw ay gumagalaw,
Katawan ko'y para bang natutunaw.


Ako'y nagpatuloy sa aking pagsasayaw,
Mga tao sa paligid nama'y patuloy na humihiyaw.
Mata nila'y parang apoy na nagbabaga,
Dahil sa pagsasayaw ko'y sila'y namamangha.


Sa oras na ang pagsasayaw ay humantong sa pagtatapos,
Panibagong pagsubok ay ang magpapatuloy ng agos.
Pilit sinisikmura ang lahat lahat,
Para ang buhay ko'y hindi maging isang salat.


Aking trabaho ay mapusok at delikado,
Dahil paggamit ng aking katawan ang aking rekado.
Ako'y isang babaeng mananayaw at bayaran,
Pero ang panghuhusga niyo'y hindi ko kailangan.


Random Tagalog Poem Collection #9
Isinulat ni: TheMoodyGae

Random Tagalog Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon