RTP2 - Daan sa Kasaganahan

9 2 1
                                    

Pamagat: Daan sa Kasaganahan

Ako'y dadaan sa matarik na daanan
Magsugat sugat ma'y pilit lalagpasan
Daang matarik at si kamatayan ma'y nakadikit.
Pilit lalabanan makuha lang ang nais makamit.

Sa patuloy na pagdaan sa matarik na daanan
Mga dugo at sugat ay patuloy na nadadagdagan
Alaala nang nakaraan ay pilit binabalikan
Para maging daan sa pagharap sa kasalukuyan

Kahirapan ma'y maaaring maging balakit
Kanilang tiwala't suporta'y aking ibibitbit.
Pagsubok at unos ma'y maging hadlang.
Ang pagsuko saki'y tila walang puwang.

Nang lahat ay aking mapagtagumpayan
Mga taong naniwala'y akin namang susuportahan
Sa buhay na masagana at may kasiyahan
Ako'y inyong asahan at hindi kayo iiwan.


Random Tagalog Poem Collection #2
Isinulat ni: TheMoodyGae

Random Tagalog Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon