Pamagat: Ako na Muna
Pilit na binubuo ang iba
Kahit ang sarili ko'y sirang sira na
Patuloy na tinutulungan ang iba
Kahit ang sarili ko'y sobrang pagod na.
Pinapalakas ang loob ng iba
Kahit alam ko sa sarili ko na ako'y mahina na
Pinapasaya ang buhay ng iba
Kahit alam ko sa sarili ko na ako'y malungkot na.
Pinapakita ang aking kalakasan sa iba
Kahit alam ko sa sarili ko na ang lakas ko'y wala na
Pilit nagpapakatatag sa iba
Kahit alam ko na may araw na sa buhay ko na gusto ko nang matapos na.
Pero sa ngayon tama na muna ang iba.
Sa ngayon ang sarili ko muna.
Susubukan ko nang wala ang iba
Susubukan ko nang ako na muna.
Random Tagalog Poem Collection #4
Isinulat ni: TheMoodyGae
BINABASA MO ANG
Random Tagalog Poem Collection
RandomTheMoodyGae Poem Collection ® • Random Tagalog Poem Collection A collection of poem written in Tagalog Language. It comes with a variety of topics such as: Love, Journey, Struggles, Success and other.