Pamagat: Mundo ng Pagtakas
Buhay na magulo't masalimuot
Ako'y natutong gumamit ng bawal na gamot
Buhay tila'y naging makulay
Aking isip ay nagpatuloy sa paglalakbay
Panandaliang pagtakas sa reyalidad
Akin nang naging kasanayanan
Panahong puno ng sakit at puot
Tanging sa gamot ito'y naudlot
Mundong aking sariling ginawa
Ano mang bagay ay aking nagagawa
Bagay na kailanma'y mga pangarap na lamang
Sa aking mundo'y ito'y nagpagtagumpayan
Aking pagtakas ay natapos
Nang aking dugo'y simulang umagos
Buhay ay ka'y sarap sa kasalukuyan
Dahil aking paghihirap sa nakaraan ay humantong na sa katapusan.
Random Tagalog Poem Collection #5
Isinulat ni: TheMoodyGae
BINABASA MO ANG
Random Tagalog Poem Collection
RandomTheMoodyGae Poem Collection ® • Random Tagalog Poem Collection A collection of poem written in Tagalog Language. It comes with a variety of topics such as: Love, Journey, Struggles, Success and other.