RTP6 - Payaso

7 1 0
                                    

Pamagat: Payaso

Pag ako'y tumatapak na sa entablado
Mapasaya ang manonood ay ang aking talento
Aking gagawin ang lahat para kumata't mabuhay
Laitin man ang aking sarili mapasaya lamang ang aking tigasubaybay

Sa likod ng masayahing mukha na kanilang nakikita
Nakatago ang mukha ng isang mapagpanggap na hindi mo nais makita.
Pagtatago ng aking totoong pagkakakilanlan
Para trabaho'y hindi madumihan at maruyakan

Sa tuwing matatapos ang aking pagtatanghal
Ay siya ring pagtatapos ng isang katauhan.
Katauhang ikinubli para sa kapakanan ng iba.
Tanging saya lamang ang maibabahagi sa kanila.

Nang ako'y magsimula ng maglakad papunta sa aming tahanan
Ay siya ring pagsisimula ng pagbagsak ng mga luhang aking pinigilan
Pagpapanggap ay akin nang nakasanayan
Dahil buhay ng isang pasayo ay isang pakikipaglaban sa kalungkutan.


Random Tagalog Poem Collection #6
Isinulat ni: TheMoodyGae

Random Tagalog Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon