RTP1 - Tyaka Nalang

16 2 1
                                    

Pamagat: Tyaka Nalang

Ako yung taong kayang pasayahin ang lahat.
Ako yung taong kahit sinasaktan pilit paring winiwaksi ang lahat.
Mundong mapanghusga at puno nang negatibo.
Di ko alam kung saan ba ako paparito.

Namulat na dala dala ang mga sugat at pasa.
Sa kamay nang mga taong ignorante at mapanglamang sa kapwa.
Namulat na kulang sa pagtanggap ng kapwa.
Pero ito'y pinagsawalang bahala upang aking mundo'y maging mapayapa

Nagpatuloy sa buhay na pilit iwinawaksi ang diri nilang tingin at salita.
Na tila akala mo'y ako'y may sakit at lunas ay hindi kailama'y makikita.
Buhay may kay hirap pero pinagpapatuloy paring lumaban at tumayo.
Tyaka nalang uupo pag dumating ang oras na ang pagtanggap niyo ay nabuo.


Random Tagalog Poem Collection #1
Isinulat ni: TheMoodyGae

Random Tagalog Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon