End?

29 4 11
                                    


When it seems like no ending, just keep on holding tight. You'll eventually know its worth.





Anim na taon na rin ang nakalipas bago kami umalis dito sa Villa Luna, at ilang taon na rin nang malaman ko na hindi ko pala totoong papa ang tinuturing tatay.

Noong unang beses kong nakita ko ang dad ni Myrtle, para bang kilalang kilala ko na siya. Iyon pala ay siya ang tunay kong ama.

Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko alam ang mararamdaman. Pero nang maipaliwanag sa akin ni mama ang nangyari sa kanila nila noon ay naintindihan ko na. Hindi rin pala niya alam na may anak siya kay mama.

At trahedya rin ang nangyari sa kanila noon.

Pero hindi ko pa rin alam kung tatawagin ko siyang tatay ko, kahit pa tanggap ko na siya. At siguro tanggap na rin niya ako. Si papa pa rin ang kinikilala kong ama ngayon.



Buwan-buwan ako dumadalaw rito noong nakalipat na kami. Pero nang mag-college na ako ay taon-taon ko na lang siya nadadalaw.

Pero kahit nasa malayo ako, kahit hindi ako makapunta, kahit wala na siya.

Pilit ko man siyang iwaksi sa isip ko. Kahit man lang sandali.

Walang araw ang hindi ko siya naaalala.

Ngayong taon bumalik ulit ako sa talampas.

Wala na ang mga nakaharang dito at meron na rin akong nakikitang mga turista sa paligid dahil hindi na tago ang talampas.

Nakatayo rin dito ang isang maliit na lapida dahil balita ko naglagay raw ng abo ni Myrtle dito sila Tita Mina, ang mom ni Myrtle. Nabasá na rin nila at ng buong school ang biography na ginawa ko para kay Myrtle. Nalaman nila na gano'n pala ang totoong nangyari sa kaniya.

Naglagay naman ako ng bulaklak sa gilid nito. Napansin ko na marami rin ang mga bulaklak sa gilid. Marami rin sigurong dumadalaw sa kaniya.

Maganda ang sinag ng araw ngayon, masarap rin sa pakiramdam ang hangin.

"Myrtle?" I looked at the shining ocean.

"I know that you don't really want to come back. But if you do, you know you'll always have my warm 'welcome-back-hug' ."

I took a deep sigh and laugh a bit.

"Anyway,"

"Guess what? Journalist na 'ko, nagsusulat na rin ako ng mga news articles. Nagaaral na rin ako ng creative writing at the same time. I will write to inspire everyone, just like you told me before," I paused as I remember something.

"Alam mo ba si Perry engaged na sila ni Calyl? Si Perry nasa film industry na siya, si Calyl professor na. Si Ron naman he's managing their family's business, but still sneaking out for a gig."

Natawa ako sandali habang inaalala ang huli naming pagkikita.

"Hindi ka ba nalulungkot diyan? Kasi ako oo. Sana kasabay ka rin namin ngayon. I'm sure you'll be more successful than us."

She surely will.

Sometimes I wonder, what if she didn't jump?

What if I saved her?

What if she have never been scared at the first place?

Napatingin na lang ako sa kalangitan.

"I will only pray for your happiness out there. I hope that you could finally find your peace,"

"I hope that you're at the place where no one will expect too much from you. Where no one will judge as who you are. Where no one will make you feel less of yourself."

Ocean BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon