By just saying you'll stay makes everything different. But the choice is yours, and yours alone.
Medyo huminahon na ang dagat, pero umaambon pa rin. Nakaupo pa rin kami sa gilid ng talampas. Madilim na at ang tanging ilaw na lang ang light house.
"They expelled me for nine days." napalingon naman ako sa kaniya.
"Ang dami ko na kasing violations. Yung hair color ko, yung sa cheerleading saka yung sa pagsampal ko kay Frea." natawa pa siya nang kaunti.
''Sorry, Zeus." lumingon naman siya sa akin.
"Sorry, I didn't listen. Sorry, I had to cry again. Sorry, I was so sorry."
"It's okay." tugon ko pero tumingin siya sa karagatan.
"Paano kung hindi okay? Paano kung hindi na magiging okay?" napabuntung hininga naman ako.
"Kahit hindi ka maging okay ngayon, maniwala ka na merong sasama sa'yo. Maniwala ka na hindi ka magisa."
Sandali siyang hindi nagsalita.
"Thank you, Zeus. Marami ka ng nasabing magagandang salita sa akin. But I can't understand,"
"Why do I feel like everything that you've said were nonesense for my head to heal. Nakakapagod na ipilit sa sarili ko ang mga salitang 'yan."
"You know what? I've read a line in a poem that always reminds me of you," she pointed her finger to the air.
"If you just came when I was thinking of jumping anxiously, they might not end up crying sadly."
Hindi ko na alam ang dapat sabihin. Dahil pakiramdam ko kahit anong sabihin ko hindi na niya ako bibigyan ng pagkakataon baguhin ang tumatakbo sa isipan niya.
Ilang sandali pa ang walang nagsalita sa amin.
"Kumakanta ka?" tanong pa niya.
"Medyo lang." tumango naman siya saka humiga.
Huminga siya nang malalim pero hindi niya magawa. Ibinuka niya ang bibig niya at saka kumanta.
"Let it go, let it go, can't hold it back anymore..." natawa naman ako nang kaunti, ngayon niya talaga napiling kumanta.
Habang kumakanta siya ay may narinig akong ring ng telepono.
"Cellphone mo 'yon?" tanong ko.
Kinuha naman niya ang bag niya sa gilid. Umuulan kanina pero hindi nabasa ang phone niya? Pero tumigil na ang ambon at medyo mahinahon na rin ang dagat.
"Mom?" pagtugon ni Myrtle.
Napansin ko na medyo naging balisa siya, kahit gano'n naman siya palagi.
"I'm coming." ibinaba na niya ang telepono at ibinalik sa basa niyang bag.
"Sige na, pupunta pa 'ko sa hospital." tumayo naman kami pareho.
"Samahan na kita." kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" umiling na lang ako at saka kami naglakad.
Pagkarating namin sa ospital ay pinagtinginan kami ng mga tao dahil basang basa pa rin kami.
Dumiretso kami sa elevator at pinindot niya ang pinakadulong floor.
"Ano ba ang pinapagawa sa'yo ng mommy mo dito?" tanong ko pa.
"Pinapapunta niya ako kay kuya, nagka mental disorder siya at na disable pagkatapos ng aksidente kaya kailangan niya ng magaasikaso. Wala kasi si yaya kaya ako muna ang magbabantay sa kaniya ngayon."
BINABASA MO ANG
Ocean Breeze
Teen Fiction"Did they had the chance to save her?" She's an extra ordinary girl, they would say. He's an ordinary guy, in particularly. A girl whose suffering from Hyperventillation syndrome and someone who will make her confuse, loved, true. What is this voi...