Petrified

24 4 0
                                    

Her ocean eyes will make you weak, hoping that air would make her breathe.







Matapos ko marinig ang boses niya na para bang hinihingal siya ay hindi na ako mapakali.

Just kidding. Sige.

Binaba na niya. Pero ramdam ko pa rin ang kaba dahil halata na hindi siya okay.

Hindi pa rin ako makatulog dahil nakakabahala ang nangyayari sa kaniya.

Madaling araw na at hindi pa rin ako natutulog.

Nang magbukang liwayway na ay lumabas ako para magjogging. Wala pa masyadong tao, mga nagwawalis lang sa labas ng bahay nila ang nakakasalubong ko.

Paguwi ko ay naabutan ko si papa na nililinis ang kotse, tumulong na rin ako.

"Dapat ngayon pa lang marunong ka namagmaneho, para kapag eighteen ka na pwede ka na kumuha ng lisensya." wika pa ni papa.

Matapos namin maglinis ng kotse ay tinuruan na ako ni papa. Medyo may alam na ako sa pagmamaneho pero sa tuwing pinapagrahe ito sa akin eh hindi ko naman magawa nang maayos.

Pumasada kami sa loob ng Villa Luna at sa wakas maayos ko nang namamaneho, nagawa ko iyon sa loob ng limang oras. Mabuti na lang at wala masyadong bahay dito, magkakalayo ang mga bahay dito sa Villa luna at wala rin masyadong mga tao na nasa labas.

"Medyo marunong ka na, umuwi na tayo. Nagutom ako kakaturo sa'yo." natawa na lang ako. Lagi naman siyang gutom.Pagkarating namin sa bahay ay may nakita akong pamilyar na bike.

Luckily, medyo maayos kong naigrahe ang kotse. Dumiretso naman kami sa salas at nandoon nga si Myrtle. Ngumiti siya at saka binati si papa.

"Sino nga ulit ang daddy mo Myrtle?" rinig ko pang tanong ni mama.

"Si Demetri Ferrer po." hindi naman nakapagsalita ka agad si mama at napatitig lang sa kawalan. Anong meron?

"Demetri?" tanong pa muli ni papa, nagkatinginan sila ni mama. May nararamdaman akong hindi maganda.

"Ah, saan ba kayo galing?" pagiiba ni mama at saka siya pumunta ng kusina.

"Tinuruan ko lang si Zeus maggrahe." pagsisinungaling pa ni papa.

"Maggrahe? Yun lang?" tanong pa ni mama kaya sinundan na siya ni papa sa kusina.

"Ang layo naman ata ng grahe niyo?" natatawa pang tanong ni Myrtle.

"Gusto mo pumunta sa bayan?" sunod niyang tanong.Naalala ko na nasa akin pa pala ang susi ng kotse kaya naman nakaisip kami ng isang istupidong ideya.

"Baka maaksidente tayo" nangangamba ko pang wika habang hawak ang manibela.

Natawa naman siya, "Hindi 'yan, I trust you." nakangiti niyang sabi.

"Talaga? Sige saan mo gusto pumunta?" natawa naman siya.

"Sira, joke lang!" lumabas siya.

Pero bumalik din.

"Sige na nga!" natawa na lang ako sa kaniya at ni-start ang kotse.

Nasa Pizza parlor kami, libre niya daw dahil may extra pa siyang allowance. Hindi pa pala ako nagtatanghalian at wala rin akong dalang pera.

"Bakit ka nga pala pumunta sa bahay?" tanong ko pa.

"Nothing, I just want to enjoy youth." tugon niya habang kumakain.

Napatigil naman ako.

"Alam mo? Masyado mo 'kong pinagaalala, ano bang nangyari sa'yo kagabi?" hindi naman siya sumagot.

Ocean BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon