Picture Me

42 4 35
                                    

Look at my eyes like how you look at the moon intensively, see how I look imperfectly.

Nakaupo na kami ngayon sa gilid talampas habang wala pa ring nagsasalita sa amin, tinanong ko siya kung bakit niya iyon ginagawa at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsasalita. She's just staring at the blue and purple-pink sky. I wonder why.

As long as hindi niya ako sasagutin, uupo lang ako dito at hihintayin ang sagot niya. Baka tuluyan na siyang tumalon kung aalis ako.

"Why are you still here?" napalingon ako sa kaniya. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin, at wala ni isang ngiti na tulad ng kanina ang nasa mukha niya ngayon.

Huminga muna ako nang malalim, "Hindi mo pa kasi ako sinasagot. Ano ba talaga ang ginagawa mo?" sa dagat naman siya tumingin. 

The sky is reflecting splendidly on the blue ocean.

Napansin ko rin ang mga gamit niya na nasa gilid, ang uniporme niya at ang bag niya. Pati na rin ang mga folders at libro ay nandito pa, halatang hindi pa siya umuuwi.

"I can't exhale."

Napatingin naman ako sa kaniya at hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya. Nakalugay rin pala ang mahaba niyang buhok dahilan para isayaw ito nang marahan ng hangin.

Tumayo na rin ako at inilapag ang mga gamit ko.

"May problema ka ba sa paghinga?" tanong ko pa, tinawanan niya lang ako. Pero hindi katulad ng pagtawa niya kasama ang mga babaeng iyon kanina.

"Kung sana nga problema lang iyon sa paghinga," tumingin siya sa akin, "Gusto ko umiyak." tumawa pa siya nang marahan. 

Nagsimula na ako magalala para sa babaeng ito.

"Tatalon na sana ako para sa ilalim ng dagat ako umiyak, pero pinigilan mo ako." muli siyang tumawa nang mahina. Umupo siya muli at ganoon din ako.

"Bakit naman gusto mo sa ilalim ng dagat umiyak?" nanatili siyang nakatingin sa karagatan.

"Para walang makakita, para pag-ahon ko kasabay na ng alon ang mga luha ko."

Patuloy ko siyang pinagmasdan, alam ko na hindi naman ako psychiatrist or psychologist and whatsoever para tanungin siya. Pero hindi ko maiwasan ang mabahala sa mga sinasabi niya.

"Kung gano'n hindi ka magpapakamatay?" tinignan niya ako sa mga mata ng dahan dahan.

"Not yet."

Not yet?

"I haven't tried it, maybe when I found a right time and place."

Ako naman ang natawa ng mahina, "Is there a right time and place to die?" rinig ko ang mahina niya ring pagtawa.

Napailing ako sa sarili dahil sa kawirduhan niya.

"Of course," muli akong napalingon sa kaniya, "I think, it's when the weather's fine and under the sea. Well, I'm still searching when that day is."

Hindi ko lubos maisip na sa isang naturingang 'perpekto' ko maririnig ang mga salitang iyon. 

Pinagmasdan ko siya ng maiigi.

"Hey, I don't really know you. But can you stop thinking about death? How come that a person like you could think of that? May problema ba?" I feel like I'm asking her questions about the things I should be out of.

"Nothing, there's no problem at all." tugon niya habang hindi na nakatingin sa akin.

"Then why?" she laughed at me.

Ocean BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon