"Anong oras ba tayo pupunta do'n?!", pagsusungit ko at medyo malakas ang boses.
"Pag naubos mo na 'yang kinakain mo."
Uminom ako ng tubig at tinignan siya. "Kanina pa ako kumakain!", asik ko.
Sa dami ng niluto niyang breakfast ngayon at para bang pang tatlong araw. Dalawa lang naman kaming kakain pero iba't-iba pa ang niluto niya.
"Can you please lower your voice? Magkalapit lang tayo. When you finish your food, we will go there. Bilisan mo na lang",sambit niya.
Para wala ng ingay at sagutan na maganap ay sumunod na lamang ako kahit pa busog na busog na ako. Palihim ko siyang pinagmamasdan habang kumakain kaming dalawa. Kapag mapapatingin siya sa gawi ko ay kaagad akong umiiwas.
"Ano 'yan?", tanong ko ng ilipag niya sa ibabaw ng kama ang paper bag.
"Regalo ko sayo no'ng first monthsary natin. 'Yan na ang suotin mo ngayon."
Napalunok ako at nakagat ang pang ibabang labi. Nakalimutan ko ang first monthsary namin samantalang siya ay bumili pa ng regalo at naaalala ito. Pero nagdadalawang isip pa rin akong maniwala sa kanya na mahal niya ako.
"Ayoko! Sayo na lang 'yang regalo mo", sabi ko at tinabig ang paper bag.
Hindi niya ako madadala sa mga regalo niya. Galit ako at papanindigan ko 'yon.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Kagabi pa ang damit mo, Ayezza tsaka medyo malayo din ang pupuntahan natin kaya 'wag ka ng magmatigas pa."
"Ayoko-"
"Please", sincere na pakiusap niya ng masalubong ko ang mga tingin niya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lang inabot ang paper bag.
Nang lumabas si Darvin ay nagmadali akong tignan ang laman niyon. Napangiti ako ng makita ang isang kulay yellow na half shoulder top at may ka partner itong palda na alam kong lalampas sa tuhod ko. Mayro'n na ring kasamang undergarments. Talagang kompleto.
Pumunta ako sa may shower room at nang matapos ay nagpunas ako ng katawan gamit ang towel ni Darvin. Napakabango niyon sa pang amoy ko. Ibinalot ko ang tuwalya sa katawan ko at saka lumabas ng banyo.
I cleared my throat when I saw Darvin lying on the bed. "And why the hell you're here?!", pagalit na tanong ko.
"Because this is my room."
'I know.'
Pinag krus ko ang braso at dahan-dahang lumapit sa may side table para kunin ang damit na isusuot ko. Pagkakuha no'n ay dederetso sana ako sa banyo para do'n magbihis pero nagmadaling bumangon si Darvin. He grabbed my waist. "Saan ka pupunta?"
I rolled my eyes. "Isn't it obvious? Magbibihis ako!"
"Bakit hindi dito?"
"Kasi mas gusto ko sa banyo!"
"Really?", nang-aasar na tanong niya. "I already saw every part of your body. Wala ka ng maitatago pa sa akin, Ayezza."
Naikuyom ko ang kamao. At iyon ang isa sa hindi ko dapat hinayaan pero kung hindi naman nangyari 'yon ay hindi ako mabubuntis. Mahal ko ang anak ko kahit na hindi ko pa ito nakikita.
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
Lãng mạnAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...