"Hindi tinitipid ang pag ngiti, Ayezza", rinig kong wika ni Cynthie. Magkasama kami ngayon at nasa Maki Yaki (Japanese restaurant) kami ngayon kumakain. Dito ko napagdesisyunang makipagkita para medyo malapit lang sa University niya. Alam ko kasing busy siya.
"Wala naman akong rason para ngumiti, Cynth", malungkot na wika ko.
Mula ng iwasan ko si Darvin ay parang nawalan na ako ng ganang ngumiti. Wala namang nagsabi na dapat akong umiwas sa kanya. Sariling kagustuhan ko lang na layuan siya at mag tatatlong linggo na ang nakalipas mula no'ng may nangyari sa amin.
"Why? What's your problem?"
"Si Darvin."
"Darvin? As in the guy that you like?"
Tumango lang ako. Matagal ko ng naikwento kay Cynthie ang pagkakagusto ko kay Darvin. "I avoiding him.
"Why?", bigla at napako ang tingin niya sa 'kin. "Magkasama ba kayong dalawa no'ng gabing nawala ka?"
Dahan-dahan akong tumango. "Cynthie, n-nadala ako", kahit hindi ko na deretsahin pa ay alam kong malalaman niya na agad ang ibig kong sabihin. Kitang-kita ko ang disappoinment sa mga mata niya.
"I am so disappointed."
Alam ko. Kahit hindi niya sabihin ay kitang-kita naman sa reaksiyon niya. "I like him—"
"Fuck it!", she cursed. Wala naman akong balak sabihin sa kanya kasi alam kong magagalit siya. "Hindi dahil gusto mo siya ay kailangan mong isuko ang sarili mo! And the two of you are not in a relationship! Katangahan ang ginawa mo!"
I wiped my tears. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Pinag-alala mo na nga si Lolo D no'ng gabing 'yon tas malalaman ko pa na kasama mo ang isang lalaking hindi mo pa gaanong kilala pero may nangyari na sainyo! You're unbelievable, Ayezza!"
I bite my lower lip and held her hand. "I'm sorry. H-hindi ko na naisip 'yong magiging kahihinatnan no'n—"
"Did you tell Arielle about this?", unti-unti akong tumango. "I can't believe it! Itinago niyo sa akin!"
"Nakiusap ako kay Arielle na 'wag sabihin kahit kanino. Wala siyang kasalanan."
She heaved a deep sigh. "Dito ka lang. May kailangan lang akong gawin."
Bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng restaurant. Sinundan ko siya pero hindi ko na siya naabutan. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Dapat hindi ko na lang sinabi pero ayoko kasing may tinatagong sikreto kay Cynthie.
Nagpasundo ako kay Lucaz kaya naman mabilis akong nakarating sa UNC. "Thank you."
Pinauna ko na siyang pumasok sa loob dahil pa start na ang first class niya niya ngayong hapon. Gawain pa naman ng prof nila na magsara ng pinto kapag late na.
Napaawang ang bibig ko ng makita ang naglalakad na si Darvin palapit sa kinaroroonan ko. Kaagad akong naglakad at lumiko para hindi siya makasalubong.
"Ayezza let's talk!", he said. Napatigil naman ako.
Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. "Bakit—", hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa nakita kong pasa sa may bandang kaliwang gilid ng labi niya. "A-anong nangyari sayo? Are you okay?", nag aalalang tanong ko at akmang hahawakan sana ang mukha niya pero pinigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
RomansaAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...