WARNING SPG!
"Hey", pagtawag ko pero hindi niya ako pinansin. "Hoy Darvin!", hinubad ko ang heels na suot ko at binato 'yon sa kanya.
"Fuck", he cursed.
Kanina pa ako nakasunod sa likuran niya pero hindi siya tumitigil sa paglalakad. Nasa parking area na kami ngayon at masakit na ang paa ko dahil sa paghabol sa kanya.
"What the hell is your problem?!", sigaw niya habang hawak ang magkabilang balikat ko. "Hindi ang isang tulad mo ang pwedeng manakit sa akin!"
"S-sorry", nauutal na wika ko dahil sa takot.
Matapos ng nangyari 10 years ago ay wala pa ulit nanigaw sa akin ng ganito. At sa mahabang panahon na mangyari ang pag kidnapped sa akin at pagkamatay ni Mommy ay ngayon lang ako ulit nakaramdam ng takot. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito na kapag tumingin ako sa mata ng taong galit ay posible niya akong saktan, na anytime may pwede siyang gawin na hindi ko magugustuhan.
Nagsimula akong umiyak dahil sa pakiramdam na 'to. "I'm sorry, Ayezza", he said. Tuloy pa rin ako sa pag iyak. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay kaya nakatitig kami sa isat-isa ngayon. "Ayezza, I won't hurt you."
Lalo lang akong napahagulgol sa sinabi niya. Alam kong mali 'yong ginawa ko, hindi ko dapat siya binato pero hindi din naman tamang sigawan niya ako.
"I'm sorry. Sorry. Sorry. Please stop crying. I'm sorry", paulit-ulit na sabi niya at niyakap ako. "Hinding-hindi na kita sisigawan pa. Tahan na, okay?"
Naitulak ko siya ng mahimasmasan na ako. "Don't you ever tried to shout at me like that!"
"I promise. Do you wan't to go back inside?"
Mabilis akong umiling. Kung babalik ako ay makikita ko lang sa loob ang playboy na Kael na 'yon. Nakakainis kayang katabi 'yon saka nakita ako ni Lolo kaya hindi na ako babalik do'n.
"What about in my condo?", he suggested. It makes my heart race. "Don't worry, tatambay lang tayo do'n. Iuuwi din kita agad sainyo. Wala akong gagawing masama sayo."
Nang tumango ako ay sinimulan niyang buksan ang engine ng sasakyan at nagmaneho papunta sa condo na sinasabi niya.
Pagkarating namin sa condo niya ay namangha ako sa nakita, sobrang linis at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit."Mag-isa ka lang talaga?"
Tumango siya.
"So pang ilan na ako sa mga babaeng nadala mo dito?", hindi ko napigilang itanong.
"Nag-iisa ka pa lang."
I bite my lower lip. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya maniniwala ako.
"Why are you smiling?", he asked.
Hala, nakita niyang ngumiti ako kaya napaiwas ako ng tingin. "Hindi ah."
"I saw it."
Unti-unti siyang lumapit sa 'kin kaya napapaatras ako. Iba 'yong bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko maintindihan 'yong pakiramdam basta kakaiba. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay napapalunok ako. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. "P-pwedeng makiinom ng tubig?"
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
RomansaAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...