Chapter Eleven

162 8 0
                                    

Nagising ako sa isang madilim at napakainit na lugar. I tried to move my hands pero saka ko lang namalayang nakagapos pala ito. Maging ang paa ko ay naka kadena at may nakataling panyo ang mata ko.


"Nasaan ako?! Pakawalan niyo ako dito!", sigaw ko at nagpupumilit na makawala pero hindi naman ako nagtatagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin.



"Mauubos lamang ang lakas mo sa kakapilit mong tanggalin ang nakatali sayo. Kung ako ikaw ay mananahimik na lang ako", sambit ng isang boses.



"Hayop ka! Pakawalan mo ako! Alam kong ikaw 'yan Tita Loren kaya kahit pa takpan mo ang mga mata ko ay malalaman kong ikaw 'yan dahil kabisado ko ang boses mo!"



Ngayon at napatunayan ko ng buhay nga siya. At nagdududa tuloy ako kay Darvin dahil hindi ko alam kung nagsinungaling lang siya sa akin. Malinaw sa akin ngayon na buhay pa si Tita Loren at hindi siya titigil hanggat hindi ako namamatay. "Anong balak mo sa akin?! Balak mo din ba akong patayin gaya ng ginawa mo kay Mommy?!"



Naramdaman ko ang paglapit niya at saka siya bumulong sa may tainga ko. "Syempre hindi kita papatayin, Ayezza. Pahihirapan lang naman kita. Dodoblehin ko 'yong sakit na ipinaranas sa akin ng pamilya mo!"



"Bakit ako? Hindi naman ako ang may atraso sayo! Patay na si Mommy kaya manahimik ka na rin!"


Nababaliw na ngang talaga siya! Imbis na sumuko na lang siya sa mga pulis ay dinadagdagan niya lang ang atraso niya.




"Hindi lang naman ang Mommy mo ang may kasalanan sa 'kin! Pati na rin ang putang inang Lolo mo!", sigaw niya sa akin.



Si Lolo? At ano naman ang ginawa niya? Sa lahat ng taong sisiraan niya ay si Lolo pa? Ang mismong lolo ko pa na walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa buong buhay niya? Don Alejandro S. Costales—my grandfather is a kind and helpful person. All my life ay kitang-kita ko ang pagiging mabait at matulungin ni Lolo sa ibang tao. May mga sekreto nga lang siya sa aking hindi sinasabi pero ang paniwalaan na nakagawa siya ng masama ay hindi kapani- paniwala.



"Mas putang ina ka!"




Hinawakan niya ang mukha ko saka ako sinampal. Ang sakit no'n! Sa oras na makaalis ako dito ay humanda siya sa akin!




"Hindi pa naman dito matatapos ang lahat, Ayezza. Patuloy pa rin akong manggugulo sayo kaya ihanda mo lagi ang sarili mo!", dahan-dahan niyang tinanggal ang panyong nakaharang sa mga mata ko at nang tuluyan na iyong matanggal ay malinaw ko ng nasilayan ang mukha niya. "Mas lalo pa kitang pahihirapan, Ayezza."


Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. "At sa tingin mo magtatagumpay ka?!", ngumisi ako. "Sasabihin ko kay Darvin ang tungkol dito! Sasabihin kong buhay ka!"



Nag echo sa buong paligid ang malakas niyang pagtawa. "Sinabi ni Darvin na patay na ako? Ayezza, Ayezza, Ayezza, 'wag kang tanga! He is my son kaya natural na alam niyang buhay ako at syempre itatago niya 'yon sayo!"




I greeted my teeth. She has a point. Paano kung totoo ang sinasabi niyang nagsinungaling sa akin si Darvin? Fuck! Hindi ko talaga siya mapapatawad!



"Ang alam niya ay nasa Mental Hospital lang ako nagpapagamot pero ang hindi niya alam ay pagala gala ako dito sa labas."




Embracing The Cold Wind  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon