"Ma'am Aeza, on the way na daw po 'yong client natin ngayong umaga", Mathew said. Isa siya sa mga kasamahan ko rito sa salon.
"Sige, ihanda niyo na ang mga gagamitin para pagdating nila ay makapag simula agad."
Lumabas ako sa maliit na office ko dito sa salon at pumunta sa ibaba para tignan kung maayos na ba ang lahat.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Lucaz na nakaupo sa may couch na nasa bandang gilid. Nakatingin siya sa may salamin. "Why are you still here?", tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Hinihintay ka. Wala naman na akong gagawin kaya dito na lang muna ako."
Lagi naman siyang tumatambay dito. Napailing na lang ako.
"By the way, galing ako sa restaurant nina Kael kahapon and guess what, kung sino ang nakita ko do'n?"
Naupo ako sa tabi niya para mas makapag usap kami ng maayos. "The who?"
"Your ex boyfriend. Si Dar—", I cut him off.
"Shut up!", I angrily said. Matagal ko ng isinumpa ang pangalan na 'yon. Ayoko ng siyang makita o marinig pa ang pangalan niya.
Kinalimutan ko na ang lalaking minsang naging parte ng buhay ko. Burado na siya sa isipan ko at kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pananakit sa akin.
"Hanggang ngayon ba naman ay galit na galit ka pa rin sa kanya, Yezz? It's been 3 years, hindi ka pa rin nakaka move on sa kanya?"
Seryoso ko siyang tinitigan. Matagal na akong naka move on! Ang hindi ko lang makalimutan ay ang kasalan ng lalaking 'yon sa akin.
"Nagkausap kaming dalawa. Nagtanong siya tungkol sayo, kung kumusta ka na", patuloy pang saad niya.
"Sinabi mo sanang ang kapal ng mukha niyang magtanong tungkol sa akin", masungit na sagot ko.
"Yezz, forgive him. Palayain mo na ang galit na nararamdaman mo para sa kanya", I smiled sarcastically.
Patawarin? Palayain? Para saan pa? He hurted me! Inubos niya ang pagmamahal ko para sa kanya, naubos lahat ng awa ko sa taong hindi man lang ako pinahalagahan, pinaniwalaan at minahal.
"Minahal ka niya, Yezz."
I rolled my eyes. "Nagpapatawa ka ba? Hindi niya ako minahal, Lucaz! He only want revenged to my own family. He planned to hurt me! Saksi ka sa lahat ng sakit at hirap na naranasan ko no'ng mga panahong sinaktan niya ako", nanggigigil na sambit ko sa kanya.
Hindi ako minahal ng taong sobra kong minahal. Nakakatawa nga e kasi sa lahat ng pwede niyang sabihin ay talagang 'yong mga salita pang tumatatak sa isipan ko mula noon hanggang ngayon.
One of my biggest regret is when I trusted him and love him.
"Bakit mo pa ba kinukwento sa 'kin ang lalaking 'yon? Wala na siyang halaga sa akin! Tanging galit at pagkasuklam na lang ang nararamdaman ko sa walang kwentang taong 'yon!"
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
RomanceAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...