"Ayos ka lang ba talaga , Ate?", Daryn asked. Nasa Kape Naga kami ngayon nakatambay. "Bakit gano'n na lang ang naging reaksiyon mo no'ng makita mo ang puntod ni Kuya Darwin?"
I cleared my throat before I answered. "Ayos lang ako, Daryn. May ipapakiusap lang sana ako sayo kung pwede."
"Oo naman, Ate. Anything basta ikaw."
Si Daryn lang ang mapagkukunan ko ng impormasyon sa ngayon. Nagsinungaling sa akin si Darvin kaya ayoko siyang tanungin tungkol dito. "Huwag mo na lang munang banggitin sa Kuya mo na nalaman kong may kakambal pala siya."
Ayokong maglihim kay Darvin pero binigyan niya ako ng rason para gawin 'to. Okay lang namang isekreto niya na may kakambal siya e pero 'yong nagsinungaling siyang dalawa lang silang magkapatid ay hindi nakakatuwa.
Anong dahilan niya't nagsinungaling siya sa akin?
"Makakaasa ka, Ate."
I need to start my own investigation. Kailangan ko ring tanungin si Darvin pero saka ko na gagawin 'yon.
"Ito lang ang tanging family picture na mayro'n ako, Ate Ayezza. Ipinatatapon sa akin 'to ni Kuys noon pero hindi ko siya sinunod", biglang sambit niya at iniabot sa akin ang isang litrato.
Pagkakita ko pa lang no'n ay nakaramdam na ako ng kaba dahil sa napagmasdang itsura ni Tita Loren, Tito Dan at nang tatlong anak nila.
Daryn was the little boy that I met noong tumatakas ako sa lugar na pinagdalhan sa akin. Hindi na nakakapagtakang malaman 'yon dahil simula pa lang ay talaga namang iyon na ang hinala ko. Hindi ko alam kung sino kina Darvin at Darwin ang nagligtas sa akin noon at mas lalong hindi ko alam kung sino ang pumunta sa bahay namin para tanungin ang pangalan ko.
Pero sa ngayon ay mas importante na malaman ko kung anong ikinamatay ni Darwin dahil walang alam si Daryn sa nangyari noon.
"Ingat ka", bilin ko kay Daryn bago kami naghiwalay.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Nanny Mendie. Masaya siya at inaya akong pumunta sa may kitchen. Nagulat ako pagkakita kay Darvin. Nakasuot siya ng apron. Pagkakita sa akin ay niyakap niya ako't hinalikan sa pisngi.
"Ehem", si Nanny Mendie. Saka lang ako pinakawalan ni Darvin sa pagkakayakap.
"Ang sarap", komento ko ng matikman ang chicken curry na niluto ni Darvin.
Totoo nga ang sabi ni Daryn. Masarap at magaling magluto ang Kuya niya. "Syempre luto ko e", mayabang na sabi niya kaya napangiwi ako.
Matapos kumain ay pumasok kaming dalawa ni Darvin sa kwarto ko. Hinayaan naman kaming dalawa ni Nanny Mendie. "I'm sorry", sabi niya habang nakayakap ng mahigpit sa may likuran ko.
"Sorry saan?", nakakunot noong tanong ko.
"I lied to you, Ayezza. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Daryn at si Darwin", panimula niya.
Hindi man lang ako nagulat. Ngayon ay sinasabi niya na ang tungkol sa kapatid niya. "Darwin is your twin brother. Binisita namin siya kanina ni Daryn sa cemetery."
"You already knew about my twin brother?"
Humarap ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isat-isa. "Bakit ka umaamin ngayon?"
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
Roman d'amourAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...