"Nasa labas na si Lucaz", bulong sa akin ni Arielle kaya napatingin naman ako sa may labas ng pintuan.
Kasalukuyan pang nagtuturo ang Prof namin at hinihintay na lang na mag dismiss ito. At nang tuluyan na nga nitong tinapos ang klase ay nagsikanya kanya na kaming nagsitayuan. Mabilis na lumabas si Arielle at ako naman ay naiwan dahil inilalagay pa sa bag ang ilang gamit ko.
"Ang bagal mo", wika ni Arielle. Ilang segundo lang naman ang itinagal ko. I followed the when they started walking. May usapan kami ngayon na sa Seoul199 kumain, masarap kasi mag samgyupsal ngayon. "Ang malas naman!", reklamo ulit ni Arielle. "Kung kailan tayo nagplanong lalabas ay saka naman bumuhos ang ulan na 'to."
Kinuha ni Arielle ang payong niya at ibinigay ito kay Lucaz. "Ano ka ba! Hindi kasi ganyan e!", singhal niya kay Lucaz dahil hindi nito mabukas ang payong.
"Oh hindi mo rin mabukas 'di ba?Feeling marunong kasi!", singhal naman ni Lucaz. "Sira na tuloy, paano pa tayo makakauwi nito? Kung bakit ba kasi hindi ka pa bumili ng bagong payong, naghihirap na ba kayo?", pagpatuloy pang sabi niya.
Nainis si Arielle kaya binatukan siya. "E sa mali 'yong nabitbit ko! Tsaka bakit mo ako sinisisi? Ikaw nga 'tong walang silbi dito e!"
"Pareho lang tayo", 'di nagpapatalong sambit ni Lucaz.
Wala talaga silang pinagbago. Noon pa man ay ganyan na talaga ang trato nila sa isat-isa pero hindi naman sila nagkakapikonan. Apat kaming magkakaibigan. Lucaz is taking the engineering course while me and Arielle are taking Entrepreneurship here at University of Nueva Caceres. Si Cynthie lang ang napalayo dahil nasa Ateneo De Naga University siya and she's taking Political Science.
"May balat ka talaga yata sa pwet Arielle. Sa tuwing gagala tayo ay laging umuulan", wika ni Lucaz ng mas lumakas pa ang ulan.
"Sinasabi mo bang malas ako?", pagalit namang tanong ni Arielle.
"Ikaw nagsabi niyan, hindi ako."
Napakamot na lang ako sa ulo ng magbatukan sila. Kailan kaya magbabago ang dalawang 'to. Hindi na sila nagsawa sa asaran nila sa araw-araw.
"I'm sorry", sambit ng isang gwapong lalaki ng mabangga ako nito. Napako ang tingin ko sa kanya. Habang tumatagal ay lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.
"I-its okay", nakangiting sagot ko. Nang makaalis siya ay kinurot ako ni Arielle ang tagiliran ko.
"Nakalayo na oh, nakangiti ka pa rin. Type mo?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Alam mo ikaw? Kung ano-ano na lang ang naiisip mo 'no? Tsk, hindi ko naman siya kilala."
'Sinungaling!'
"So, you want to know his name?"
Kahit pa hindi niya sabihin ay alam ko na ang pangalan ng lalaking 'yon 'no. Matagal ko na akong may gusto kay Darvin pero syempre hindi ko ipinapaalam kina Arielle at Lucaz.
"Hindi", napipikong wika ko dahil nakangisi siya ngayon sa akin. Nang aasar na naman. "Tigilan mo nga ako, Yelle."
"Nagtatanong lang naman ako, bakit ka napipikon diyan? But you know what? He's name is Darvin Reed Dela Fuentes from Business department."
'Alam ko.'
Darvin Reed Dela Fuentes is the guy that I like ever since we're senior high school. Matagal ko na siyang gusto kaya lang ay maingat akong hindi malaman ng mga kaibigan ko ang sekreto ko.
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
RomanceAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...