Kinabukasan paggising ko ay mabigat ang pakiramdam ko. Late na akong natulog kagabi kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman ako pwedeng um-absent ngayong araw kaya bumangon na ako.
I comb my hair and put a pink lipstick in my lips. Pagkababa ko ay walang katao-tao, maaga na naman sigurong umalis si Lolo kaya naman nagtungo ako sa may ref upang tignan kung anong pwede kong lutuin para magkapag take ako ng breakfast bago pumasok sa UNC.
Nagprito ako ng hotdog. Kulay pula ang madalas na kinakain ko pero itong niluto ko ay kulay itim. Napasinghap na lamang ako habang pinagmamasdan ang sunog na hotdog. How can I eat this? Hotdog na lang ay hindi ko pa magawang lutuin ng maayos.
I heaved a deep sighed and went to our dining table. May isang plastic na sliced bread doon kaya iyon ang binuksan ko. Kumuha ako ng dalawa at pinalamanan ng nutella. Iyon ang naging breakfast ko ngayong araw. Bago umalis ay inilagay ko sa isang baonan ang limang hotdog na prinito ko at saka ko ito inilagay sa loob ng ref. Mapapagalitan ako kapag itinapon ko 'yon sa basurahan.
At dahil walang maghahatid sa akin sa UNC ay kailangan kong tawagan si Lucaz para sunduin ako.
"Thank you", sabi ko ng makababa sa motor niya.
He just smiled at me. "Isasabay na lang ulit kita mamaya. Puntahan na lang kita sa department niyo", he said before walk away.
Napahikab ako habang naglalakad papunta sa room. Wala talaga akong sapar na tulog kagabi, kailangan ko ng beauty rest pero sa bahay ko na gagawin 'yon. Bawal tamarin ngayong araw. Inilapag ko ang bag at saka ako naupo. Wala pa ang iba kaya iidlip muna ako. Hindi ko talaga kayang pigilan ang antok na 'to.
"Kapag hindi mo sa akin sinabi kung nasaan ang Mommy mo ay sasaktan kita!", banta niya sa akin at sinampal pa ako.
"Hindi k-ko nga po a-alam", nagsisinungaling na sabi ko. Ang sabi ni Mommy ay isekreto ko lang daw kung saan siya nagpunta. I made a promise na wala akong pagsasabihan.
Natigil ang ingay sa paligid ng umalis si Tira Loren at pagbalik niya ay may hawak siyang isang pusa. Inilagay niya ang nanghihinang pusa sa sahig at saka ako binalingan ng tingin. "Nakikita mo naman siguro ang pusang 'to 'di ba? Uulitin ko ang tanong ko sayo! Nasaan ang Mommy mo?!"
Umiling ako ng umiling. Kahit pilitin niya ako ay wala akong sasabihin. May kinuha siyang bagay sa likuran ng damit niya at laking gulat ko ng makita 'yon. Nanlaki ang mata ko ng itutok niya ang baril sa kawawang pusa. Nanginig ako sa takot. "Hindi ka pa rin ba sasagot?! Sabihin mo sa akin kung nasaan si Alezza!"
"W-wala akong sasabihin sayo!", pagmamatigas ko.
Nanlaki ang mata ko ng tuluyan niyang paputukan ang pusa. 'Meow', huling tinig ng kawawang pusa bago ito tuluyang nawalan ng buhay.
Umupo ang babae sa sahig at hinawakan ang duguang pusa. Wala siyang awa! "Ganito rin ang magiging itsura ng Lolo mo kung hindi mo sasabihin sa akin ang kinaroroonan ng Mommy mo."
Nanlaki ang mata ko. Tumayo siya at muling binaril ang pusa. Tinadyakan niya rin ito at walang awang tumawa ng malakas. She's insane! She's too much! Napakasama niya! "Papatayin ko si Don Alejandro, kagaya ng pusang ito ay magiging kawawa siya."
BINABASA MO ANG
Embracing The Cold Wind (COMPLETED)
RomanceAll that Darvin Reed Dela Fuentes ever wanted is to have revenge to the family who caused so much pain to his mother. In order to make the revenge he wanted, he started to getting close to Ayezza Claire Costales- the only granddaughter of the owner...