6. What Happens in the Island...

68.3K 2.3K 1.1K
                                    

CHAPTER SIX

In a pitch black room, a pair of eyes stared back at me. The hue of her eyes scream the lightness of brown, there's determination, fear and anger all in one. Her frail lips tried to communicate, but her eyes talked the most.

She was in chains, both of her hands and even her feet. Nakaramdam ako ng takot at pagkahabag para sa babae. It was like my heart was crushed. Mas nangibabaw ang pagtataka ko. Bakit siya nakatali? Bakit ganoon ang kalagayan niya? Wala akong maintindihan.

"R-rainbow... you are a brave little girl, and intelligent... t-thank you,"

"Y-you are w-welcome..." I tried to smile, kahit hindi rumi-rehistro sa utak ko ang aming sitwasyon. Sabi ni mommy, may mga bagay daw na adults lang ang makakaintindi at hindi pa maa-understand ng mga bata, like me. But I know, she was in a bad state.

Kumamot ako sa ulo. Then, I realized, I brought something with me. "C-cookies..." Narinig kong binanggit niya ang katagang cookies noong nakaraan kaya dinalhan ko siya ng cookies.

Ngumiti ito, pero hindi abot sa kanyang mata. Mula sa tayo ko, dahan - dahan akong lumapit. I fed the woman with my cookies. Ilang ulit lang siyang ngumuya, ubos na ang ilang pirasong dala ko. Four cookies were the only food I could manage to bring to her.

Sunod - sunod na pumatak ang luha sa kanyang mata. I cried too, seeing the woman wept. Kahit wala akong maintindihan, umiyak ako kasi alam kong sad siya. Kaya sad din ako.

She put something in my pocket. Something, I doubted the significance.

***

Habol ang paghinga ko nang magising ako. Hawak ko ang aking dibdib, kinapa ko pataas hanggang leeg. My necklace! It was gone. I searched in panic. Pero wala akong nakita. Ngayon ko lang napansing nawawala iyon sa akin. That lion emblem was my lucky charm.

Siguro nawala iyon sa pagtakas naming muntikan akong malunod. Sumama iyon sa kailalaliman ng dagat. My eyes became moist at the sudden realization.

My dreams, they were becoming more real. May mga alala akong hindi gaanong matandaan, at hindi ko mawari kung alaala iyon o imahinasyon.

I looked around to see myself still in the unknown island. Hinanap ng mata ko si Mr. Petrovich, I mean, si Zak pala. He was nowhere to be found around the vicinity. Mukhang maaga pa lang, naglibot na ito sa isla.

Ako lang mag-isa ang nakahiga sa aming barong - barong. Where did he go? I pouted. Matapos niya akong gawing unan kagabi, iiwanan niya pala akong natutulog.

We cuddled and used each other's heat last night. The night breeze was cold enough to freeze me to death. Ang init niya, uh, he's really hot but that's not what I meant. Oh, why am I even thinking that? Hmp. Ang bad nang utak ko.

Nag-alaala ako sa kanya, baka lumala iyong sugat niya. Hindi ko siya maisusugod sa hospital kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko. And now, he's hunting for food again.

Gusto kong sisihin ang allergy ko, hindi man lang ako makakain ng sea foods kahit nasa bingit nang kamatayan. Kung mag-isa lang ako sa isla, wala pang isang araw, maaaring patay na ako. Mr. Petrovich is keeping me alive.

Siguro, boy scout siya noon. Marunong siyang magpa-apoy, nakapagtayo siya ng masisilungan namin pansamanta... gal? He knows how hunt food, and fishing. Marami siyang alam. And I'm just useless around. Nasusunog ko pa iyong iniihaw niyang fish kahit nakatitig naman ako sa pagbabantay.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon