20. Letter of Truth

47.6K 2K 839
                                    

CHAPTER TWENTY

"You have to kill me first, before you kill her," He shook his head. "Let her be safe, let me pay for her debts."

His voice laced desperation. Zak knew they were outnumbered, it was going to be hard and long battle. He wasn't even in good shape. Pero alam kong kahit sa lagay niyang iyon, he would really fight until death. And I'm not worthy of that.

I betrayed him for the reason that any daughter would do --- to avenge the deaths of my loved ones.

Ilang minutong tanging paghinga lang ang ang maririnig ko at ang tibok ng aking puso. No one dared to talk nor move. Sabay - sabay na nagbaba ng baril ang kalalakihan sa magkabilang panig, all they had were death stares to one another. Pinaka-huling nagbaba ng baril ang singkit na Chinese.

My eyes was fixed on the blood gushing out of Zak's wounded body. Hindi ko maiwasang hindi mahabag. His shoulder had a cast for the bullet that penetrated it and it was because of me. All of these happened because of me. Alam kong kung hindi dahil kay Zak, they wouldn't hesitate to kill me just like how they killed Pablo Catorse.

"Get up," Zak said softly. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. I couldn't look at his green eyes. I'm not sure if I should accept his offered help. I deserve no help. I'm a traitor.

When I didn't move, lumuhod ito sa harap ko para magpantay kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko, I almost flinched. My body was reacting traumatically. Zak held my hand with tenderness. Iwinawaksi ang takot ko. Inalis niya ang mga alikabok nang ituon ko iyon sa sahig ng may sumampal sa akin.

"Let's go home, baby." He whispered.

Biglang bumaluhong ang luhang pinipigilan kong lumabas muli. My chest tightened with the painful sobs. Paulit - ulit ang pagpatak ng luha ko.

"I... I don't d-deserve you..." bulong ko sa hangin.

"I don't deserve you, either." Pinahid ni Zak ang luha sa mga mata ko. He kissed my forehead. "Let's go."

Kusang sumuko at nagpadala ang katawan ko sa gusto niyang mangyari, inalalayan niya akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. I heard scoffs of disapproval from the men, but nobody pointed a gun at us unlike earlier. Pinakamalakas ang pag-angal ng lalaking binaril ni Zak.

Mr. Centauri gave Zak an extra shirt. Mabilis naman nitong itinali iyon sa dumudugong parte ng katawan niya para pigilan ang pagkalat pa ng dugo. I'm getting paler looking at him and his wounds. Ako ang mas nakakaramdam ng nerbiyos para kay Zak.

"Is she worth it?" rinig kong tanong ng isang boses na hindi ko mawari kung kanino galing. It sounded arrogant. Hinapit niya ako sa beywang, imbes na ako ang umalalay sa kanya, siya pa itong nakaalalay sa akin.

"More than my life,"

Lumabas kami ng basement. Ilang araw kaming nalagi roon ni Pablo, sa magkaibang selda. Sumunod sa amin ang ilang lalaki --- Voight's father and the Chinese guy. Bumungad sa akin ang maliwanag na isla. Sea breeze excites my nostrils and the nostalgic feeling surged through my body.

A golf cart was waiting for us. Si Zak ang nagdrive ng sa amin, samantalang iyong dalawa ang magkasama. We headed towards the port where sea vehicles were all standing by. May kahabaan ang daungan ng mga barko at ibang pansasakyang dagat. It was my first time to see this part of the island. There was already a yacht beside the port.

Mayroon silang ibinabang hagdan upang mas mabilis na makaakyat kami. The guys went to the yacht first. Ako ang naunang pinaakyat ni Zak, samantalang nasa likod ko ito at nakasunod para umalalay. Nang tuluyan akong makasampa sa yate, hinigit ni Zak ang braso ko nang marahan at pinaharap sa kanya.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon