30. His Ultimate Downfall

63.4K 1.9K 842
                                    

CHAPTER THIRTY

Giving birth is one of the most painful things a woman could experience. Nakakatakot, nakakaubos ng enerhiya, nakakawala ng ulirat. Dalawang buhay ang nakataya sa hukay. For me, it was all worth the pain. Solo ako sa delivery room kasama ang private doctors and nurses ng hospital.

Hindi ako nagawang samahan ni Zak matapos nitong muntik na mahimatay nang mapagtanto niya kung gaano ako nasasaktan. It was the most heartwarming reaction I have received. Gusto kong lokohin si Zak pero hindi ko magawa. I was in so much pain.

My husband is the softest when it comes to me. Hindi niya ma-appreciate na makita akong nahihirapan. Sigurado ako kung pwede ko lang ipasa sa kanya ang tungkulin ng pangaganak, he would gladly accept it and do the deed.

"One more push," the female doctor instructed. Lahat ng tao sa loob ng delivery room ay puro babae. Push. Ubos na ubos na ang aking lakas. Pakiramdam ko malalagutan ako ng paghinga.

With all I might, I did.

Everyone clapped, I was disoriented to even process what was happening. Did we make it?

"Congratulations, mommy," bati ng babaeng doctor. Bigla kong narinig ang munting iyak. I knew right there and then, I was wrapped around the finger by the owner of that little sobs. "It's a healthy baby girl." She announced.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. It was filled with pride and so much happiness. After they cleaned my baby and wrapped it on a nice onesie, she was given to me carefully. Umiiyak pa rin ang anak ko kahit pikit na pikit ang kanyang mata.

"S-semaira Mashalah," banggit ko. "Semaira Mashalah,"

That is her name. That is my baby girl's name.

To finally close the chapter of wrath between my roots and Zak's family. Para sa kapayapaan ng dalawang pamilya, ang anak ko ang magsisilbing tulay.

She stopped crying. Kahit pagod na pagod ako sa pagluluwal sa kanya, napawi iyon nang mahawakan ko siya. It was such a surreal feeling. Dahan - dahan itong nagmulat ng kanyang mga mata. I had the greatest surprise of my life --- the deep green eyes stared at me, like her father.

Mas lang nag-umapaw ang kasiyahan sa puso ko.

The next moment I woke up, I was already in a decorated hospital bed. Mukhang nagtagumpay sila sa plano nilang surpresahin ako. Agad akong dinaluhan ni Zak at marahang niyakap nang makita nitong gising na ako. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwarto.

"I'm sorry, baby. I never knew that would be so fucking painful." He looked so guilty and too cute.

Kinabig ko ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi. Wala na akong pakialam kung hindi pa ako nakakapag-toothbrush, kailangan ko ng enerhiya. Pagod na pagod ako sa panganganak. He was already smirking after the kiss.

Naglayo kaming dalawa nang nakarinig kami ng pagtikhim. I was too occupied with our kiss to notice the sound of someone's footsteps going into the private room. Tulak nito ang isang hospital crib na lulan ang anak namin.

Zak's face lit seeing our daughter in the hospital crib. Parang hindi ito makapaniwala. He glanced at me, this is the first time they met. Lumapit si Zak sa crib kung saan natutulog si baby Semaira. He never knew the gender.

"Time for baby's nutrients. Iiwan ko na po sa inyo parents si baby." magalang na sinabi ng nurse bago niya iwan sa amin si ang anak ko. Walang komplikasyon kay Semaira. She was safe and healthy.

"She's a mini you, baby. Fuck, I'm scared." Zak whispered. I laughed at his reaction.

Mas lalo itong nataranta nang umiyak ang anak namin. He was confused, at the same time, worried. The ultimate downfall of Khromov Zakhar Petrovich lies within his daughter. Base sa reaksyon niya ngayon pa lang, matagumpay na nitong nakuha ang puso ng ama.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon