CHAPTER 8

8 2 0
                                    

Sol's POV

"Sabay na nga kasi tayong aalis." pagpupumilit pang muli sa akin ni Luna.


Simula ng magising ako kaninang umaga ay ayaw niya na akong paalisin at ipinipilit na sabay na daw kaming aalis. Nagimpake pa ito ng ilang gamit at nilagay sa maleta niya.


Saan ba kasi ang punta nang boang na 'to?


"Maghapon na ako dito, for sure hinahanap na ako nina mommy." sagot ko rito.


"Tsk, kulit talaga. Sabay na nga tayo pupunta sa bahay niyo. Sa batangas na tayo dederetso dahil nandun na din sina mama!" sambit nito at saka isinarado ang pinto ng banyo.

Wtf!! Nawala sa isip ko na sa amin nga pala sila magspend ng christmas. Omg girl, ikakasal na akoooo!


Chour! Beke leng nemen.


Muli akong natawa ng mapatingin ako sa body mirror dito sa condo ni Luna.


Nagising ako sa sikat ng araw kaya napilitan akong bumangon sa kama. Nagunat unat pa ako bago tuluyang tumayo.

Napamasid ako sa paligid at napagtanto ko na hindi ko iyon kwarto. Nanumbalik sa memorya ko na inuwi nga pala ako ni Luna sa condo niya matapos ng mangyare sa bar kagabe.


Dumiretso ako sa banyo nitong kwarto at naghilamos. Nang matapos ko na ang morning rituals ko ay dumiretso ako sa veranda at nagpunas ng mukha. Napadaan ako sa body mirror sa kwarto niya. Magdidire-diretso sana ako nang may kakaiba akong mapansin sa katawan ko.


"WHAT THE HECK?" palahaw ko ng mapagtanto ko na...


Hindi ko damit ang suot ko ngayon!


Oh God, Did I just give up my bataan? Siya ba nagbihis sa'kin? Gagi buti nalang sexy ako pero, omg nakakahiya pa'rin huhuhu.


Matagal akong nakatitig sa katawan ko nang biglang pumasok si Luna sa kwarto. Nagtataka itong nakatingin sa akin. Nilagpasan ako nito habang nagtutuyo siya ng buhok na mukhang kakagaling lang sa gym at isinawalang bahala ang itsura ko.



"Hoy!" tawag pansin ko rito. Nilingon naman ako nito habang nakataas ang mga kilay at hinihintay ang sasabihin ko.


"S-sayo bang damit itong s-suot ko?" nauutal utal na sambit ko rito.



Tinignan pa muna ako nito mula ulo hanggang paa bago magsalita.



"Yeah." kaswal na sagot nito at saka nagtuloy papuntang veranda at isinampay ang tuwalya niya.



Napaawang lang ang bibig ko at namamanghang napatingin sa kanya. Napansin nito ang titig ko kaya naman muli itong lumingon sa akin at nagtataka sa iniaasta ko.



Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at mukhang narealize kung bakit ganito ang itsura ko.



He sighed.



"Althea is the one who changed your clothes, not me." paliwanag nito na para bang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko.



Napasinghap naman ako at muling tinignan ang sarili sa salamin. Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko. Tumikhim ako bago lumingon sa kanya.



"So, uhm. Walang nangyari sa atin?" deretsong tanong ko rito.



Agad siyang napalingon sa akin at namamangha ang itsura nito dahil sa sinabe ko.



My 11:11 Turns Into 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon