Sol's POV
"So, that would be all for today, again thank you students for participating for todays meeting. This is your Student Council President speaking, you guys can now go back to your classes." mahaba kong saad at saka bumaba ng stage.
Isa isa na ring nagsi-balikan sa kanya kanyang klase at ginagawa ang mga estudyante kaya naglakad na rin ako papunta sa Student Council Office para ayusin pa ang natitirang papeles para sa darating na School Fair this November.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng harangin ako ng Secretary ng Council namin.
"Solastaaaa!!! Soooool!!!!" hinihingal na lapit nito sa akin.
"Kalmahan mo be 'di ako mawawala sa paningin mo. Punasan mo muna pawis mo 'cause it's so hindi nakaka-fresh." maarte kong sambit sakanya at saka humalakhak.
"Tse! arte nito, ganyan ba talaga kapag 'di napapansin ni Luna?" pang bubuyo nito sa akin.
"Ah talaga ba, Mikaela? Talaga ba, ha?" taas ang kilay ko rito habang nakapamewang.
"Te mamaya ka na mabwisit, pinatatawag ka ni coach sa field. Nandun din Council Adviser natin pati ang basketball team kaya pumunta ka na." mahabang saad nito na ikinalaki ng mata ko.
"N-nandun yung-"
"Anak ng tupa, OO NGAAA NANDUN BASKETBALL TEAM!! IBIG SABIHIN NANDUN SI LUNA, LINTEK." putol nito sa sinabe ko kaya naman agad akong tumakbo-
PEROOOO, hindi ako agad dumiretso sa field hehe. Agad akong pumasok ng C.R. at saka nagayos. Inayos ko lang ang tuwid at mahaba kong buhok, naglagay lang ako ng pulbo at lip and cheek tint. Nang makuntento ako sa itsura ko ay dali dali na akong naglakad patungo sa field.
"Ms. Santos" magalang na tawag ko sa Adviser namin at nakangiti naman itong lumingon sa akin.
"Finally, Ms. Galvez is here. I want to introduce to you the new sets of our basketball team, please take note of that. Karamihan sa kanila bago sa school natin at yung iilan naman ay nandito pa rin." panimula sa akin ni Ms. kaya naman nakangiti lang akong iniintindi lahat ng sinasabe niya. "Luna will still be their team captain." pagkasaad ni Miss sa pangalan ni Luna ay agad akong nakangiting lumingon dito.
"Ofcourse, Luna. Mr. Lucas Nathan Aguilar." deretso ang tingin ko dito habang nagsasalita habang siya naman ay walang emosyon lang na nakatingin sa akin at saka tumango.
"Kindly introduce yourself Ms. President." Utos sa akin ni Miss.
"Hello everyone. Im Solasta Clarice Galvez, your Student Council President."
Kasalukuyan kaming nagmimeeting ng Council para sa darating na School Fair. Nandito rin ang ibat ibang President ng Club at iba pang sports.
Nandito rin si Luna pero wala akong panahon para magpacute dahil sobrang nai-stress ako. Tapos na ang klase at ilang estudyante na lamang ang natira sa University. We only have one whole week to prepare at hindi ko alam kung kakasya yun.
"How 'bout each day of the week may gagawin tayong ibat ibang activities? Since marami yung clubs at kasama ang ibat ibang sports pwedeng magsabay sila sa isang araw. Magkaibang activity ang ipapatupad nila sa isang araw para may choices ang students, pwede rin naman na iisang activity pero malaking booth ang gagawin nila." biglang sambit ni Althea from dance club.
BINABASA MO ANG
My 11:11 Turns Into 12:51
RomanceWhy did you make me feel like you want me when the truth is youre not even sure about me? Why did you tell me that you love me, when it is too late and now everything falls into its place. -Euloveee♡