Sol's POV
Tirik na tirik ang araw habang nageensayo sina Luna para sa nalalapit na laban nila. Sa isang covered court naman ang aming lokasyon kaya natatakpan ang araw ngunit nakakapag papawis ang mainit na singaw nito.
"Oh break time muna mga mare! Dumating na yung delivery." sigaw ni Althea habang naka pulupot ang mga braso nito sa braso ng delivery driver.
"Myghad, Althea. Kinakahiya kita." napapailing na sambit ni Jasmine kaya naman nagtawanan kami. Inismiran lamang ito ni Althea at nginitian pa ang delivery boy.
"Landi well, mare!" Pagchicheer pa ni Mika kaya naman kinindatan siya ni Althea. Pagkalapag ng inorder naming pagkain ay hinila na nito yung kuya at umalis sila.
"Siraulo talaga si Althea HAHAHAHA" sambit ni Kurt.
"Hayaan niyo na, huwag nalang pakelaman ang sex life ni bakla! HAHAHAHAHA" pagtatanggol ni Mika kaya naman nagsitawanan kaming lahat.
Nasamid ako dahil sa sinabe ni Mika. Napaubo ako habang umiinom ng tubig at nabasa ang damit ko. Agad na lumapit sakin sina Luna at Edward kaya naman napunta na sa amin ang atensyon ng lahat.
Pinupunasan ni Edward ang damit ko habang si Luna naman ang humahagod sa likod ko.
"Ayun naman, hindi talaga papatalo si pressy sa kanyang sex life!" pang-aasar ulit ni Mika kaya nagtawanan nanaman sila.
"Mika!" saway ko rito habang siya ay halos mamatay na kakatawa.
"Eme lang pressy! Love life pala. Huwag na u magalit hehe." sambit nito na may halo paring pang-aasar.
"You stay here. Ill get you some new clothes so that you can change to a new one." Luna said and I just nodded at him.
Napatingin ako muli kay Mika at magkatabi na sila ni Jasmine at mapang-asar na nakatingin. Napailing iling nalang ako ng biglang may pumasok sa court kung saan kami nagpapractice. Agad na bumulong sa gilid ko si Jasmine at nagtataka kung bakit nandito daw ang volleyball team ng campus. Mas kilala ni Althea ang mga players ng school dahil sila ang kadalasang inaassign ko doon, maliban sa basketball team.
BINABASA MO ANG
My 11:11 Turns Into 12:51
RomanceWhy did you make me feel like you want me when the truth is youre not even sure about me? Why did you tell me that you love me, when it is too late and now everything falls into its place. -Euloveee♡