Sol's POV
"We're here, baby." Kuya Prince said while smiling at me on the mirror.
Siya ang naghatid sa akin ngayon imbis na ang driver ko. Ganyan talaga siya pag magkasama kami, baby nga daw niya kasi ako forever.
"Thanks for the ride kuya." I said and sweetly smiled at him.
"Eh? Hindi ka magrereklamo na baby ang tawag ko sayo?" takang tanong nito.
May sayad ba 'to? "Kuya nakadrugs ka?" tanong ko rito bago siya makababa ng kotse.
Umikot pa muna ito sa sasakyan at saka ako pinagbuksan. "What did you say? Me? Nakadrugs?" kunot ang noong sambit nito at kala mo ay namamangha sa sinabe ko.
"Yes you are. You see, ano pa bang use ng pagpapaalala ko sayo na hindi na ako baby? Eh kahit naman gawin ko yun, tatawagin mo pa rin akong baby." I rolled my eyes.
"Aysus, napaka sungit. Sige na pumasok ka na, susunduin kita mamaya ha." at saka nito ginulo ang buhok ko.
"Yeah right, be safe." paalam ko rito at saka iwinagayway ang kamay ko habang naglalakad papasok ng university.
Kahit kelan talaga si kuya, siguradong buong stay niya dito ganyan gagawin niya sakin.
Dire-diretso akong naglalakad ng makasalubong ko si Luna pero kabaliktaran ng direction ko. Papasok ako ng university samantalang siya ay palabas. Eh? Saan punta nito? Wala ba siyang balak pumasok?
"Luna!" tawag pansin ko rito.
Lumingon ito sa akin at ngumiti. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay na makalapit ako. Tumanaw pa ako sa hindi kalayuang gate ng campus. Nakita ko pang nandun ang kotse ni kuya at kinakalikot ang cellphone niya.
Yassss ghOrL! 20/20 vision ko.
"Papasok ka na?" bungad na tanong sa akin ni Luna.
Napunta naman sa kanya ang atensyon ko.
"Oo, ikaw? Saan ka pa pupunta? Wala ka pa bang klase ngayong umaga?" tanong ko rito ng biglang tumunog ang phone niya tanda ng may nagtext sa kanya.
Pinatay niya lamang ito at ibinalik sa bulsa niya. Bumalik ang atensyon nito sa akin at saka ngumiti.
"Papasok na din ako, makikipagkita lang ako sa kaibigan ko dyan sa may labas ng campus saglit."
Napatango tango naman ako. "I see, sige mauuna na ako. See you around."
"Okay my Sol, see you around." at saka niya pinisil ng bahagya ang pisngi ko at dumiretso na palabas ng univ.
My Sol.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Putakte, sisimulan ko na ba umasa? Shit lang talaga Luna, napaka landi mo at napaka rupok ko naman. Yawa.
"Nahold-up ka?"
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ang mga kaibigan ko habang takang nakatingin sa akin.
"Nahold-up?" ulit ko sa sinabe ni Mika.
"Lutang na nga, bingi bingi pa." sambit ni Althea pagkatapos ay umirap sa ere.
"Yow!"
Bigpang sumulpot sa harapan namin si Edward at abot hanggang tenga ang ngiti.
Natapos na niyang asikasuhin lahat ng requirements niya kaya naman regular student na siya.
Parehas sila ng course ni Luna na Engineering, habang ako naman ay nasa Business Administration.
BINABASA MO ANG
My 11:11 Turns Into 12:51
RomanceWhy did you make me feel like you want me when the truth is youre not even sure about me? Why did you tell me that you love me, when it is too late and now everything falls into its place. -Euloveee♡