CHAPTER 9

13 2 0
                                    

Sol's POV



Matapos ang picture taking namin ni E ay kasabay noon ang pagtapos ng practice ng basketball team. Magkakaroon muli sila ng ensayo bukas at sa isang araw at magtutuloy na muli pagkatapos ng pasko.



Pinaalalahanan ko lamang sila ng mga kailangan gawin at pagkukundisyon sa katawan para sa nalalapit na Inter School. Nang makauwi kaming tatlo sa bahay ay naghapunan agad kami sapagkat gabi na nang makarating kami. Simula din ng makauwi kami ay hindi manlang ako pinapansin o kahit tinatapunan ng tingin ni Luna. Hindi katulad noon na lagi niya akong hinahanap.



Baka pagod lang siguro sa practice.



Dumiretso ako sa pool area ng bahay at natagpuan doon sina Mika na nagiinuman ng puro wine. Tatlong bote ng Novelino ang nasa harap nila at may mga nakakalat pang tsitsirya sa paligid.



Saktong makarating ako sa pwesto nila ay siyang talon ni Althea sa pool, napapikit naman ako agad at hinintay ang malamig na tubig na dumampi sa balat ko ngunit wala akong naramdaman kundi mga kamay na nakahawak sa mga braso ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Luna sa harap ko na pawa bang ako'y hinaharangan upang hindi ako mabasa.



Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid ko ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata ko kay Luna at ganoon rin siya. His eyes are full of unexpressed feeling that he has no intention to tell.



Magsasalita na sana ako ng bigla siyang umiwas ng tingin at binitawan ang mga braso ko at saka umalis. Napatitig na lamang ako sa harapan ko na para bang nandoon pa rin siya.



"Te nakaalis na, hanggang kelan ka aasa- este hanggang kelan ka tatayo dyan?" tanong ni Mika sa akin na nakapag pabalik sa sistema ko at saka sinundan ng tingin ang dinaanan ni Luna.



Paglingon ko, si Edward ang nakita nang mga mata ko. Nakatitig lamang ito sa akin at nakangiti habang may hawak din na baso ng wine. Nakapamulsa ito at walang suot na damit.



I love you.



Napaiwas ako ng tingin at inaalala ang salitang binitiwan niya kanina. Hindi agad ako nakapag react noon sapagkat masyadong mabilis ang pangyayari. Awkward din para sa akin kung paano ko nilusutan ang sitwasyon na iyon kanina, ngunit kung titignan mo siya ngayon ay parang wala lang sa kanya iyon.



Sabagay, kaibigan niya naman ako eh kaya mahal niya ako.



Kumuha na lamang ako ng wine at saka umalis na upang umakyat sa second floor at tumambay sa veranda. Sumimsim ako ng wine at saka tumingin sa kalangitan. Agad akong napangiti ng makitang walang ka ulap ulap at tanging liwanag ng nagniningning na mga bituin at napaka liwanag na buwan ang tanging masisilayan sa kalangitan. Nagdulot ito ng saya sa sistema ko at kasabay noon ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat dahilan para mapapikit ako.



Pagdilat ko nang mata ay halos mapalundag ako nang makita ko sa tabi ko si Luna at nakatingala sa kalangitan. Para akong nalubog sa kinatatayuan ko at hindi ko manlang magawang kumilos. Pigil pigil ko ang paghinga dahil pakiramdam ko ay masyadong malakas yun at maririnig niya.



"Baka ikamatay mo yan kung pipigilan mo ang paghinga mo." biglang nagsalita ito sa tabi ko.



Nanlaki naman ang mga mata ko at dahan dahang pinapakawalan ang hangin na pinigilan ko.



Hindi ko pa rin magawang magsalita kaya naman nanatili akong tahimik sa tabi niya. Sumimsim na lamang ako nang wine at saka saglit na sumulyap sa kanya.



My 11:11 Turns Into 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon