CHAPTER 6

6 2 0
                                    

Sol's POV


Maaga akong nagising ngayon dahil marami kaming ifafinalize na activities para bukas. Halos sa council umikot ang mundo ko buong linggo. Mas madalas ko ring nakakasama si Edward nitong mga nakaraang araw.

Nang matapos akong magayos ay kinuha ko na agad ang bag ko at naglakad na pababa sa kitchen.

Pagkatapos nung huling paguusap namin ni kuya Prince ay hindi na ulit kami nagusap o nagpansinan pa. Isang linggo na rin ang nakalipas. Ito ang unang beses na magaway kami ng ganito katagal kaya naman hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach.

Dire-diretso ako papuntang kitchen at laking gulat ko ng makita si kuya na nakaupo sa dining. Sa isang linggo kasi naming hindi pagpapansinan ay never ko na siyang nakasabay kumain. Kapag breakfast, sa office siya kumakain kaya yung driver ko na rin ulit ang naghahatid sa akin. Kapag dinner naman ay nauuna ako kumain at nagpapahuli siya, halos hindi na kami magkita sa sarili naming bahay.

Nanatili parin ako sa kinatatayuan ko ng biglang dumating si manang na dala ang breakfast namin na bagong luto pa. Alam ni manang ang tampuhan sa pagitan namin ni kuya, siya ang madalas na nakakasama namin kesa kay na mommy kaya naman siya ang pumapagitna sa away naming dalawa.

"Sol anak, umupo ka na dito para 'di ka mahuli sa klase mo." anyaya nito sa akin.

Napatingin pa ako kay kuya habang dahan dahang naglalakad. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kaya inaabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa tablet niya.

Nang makaupo ako ay agad na ipinaghanda ako ni manang ng umagahan. Pagkatapos niyang gawin yun ay bumalik agad siya sa dirty kitchen dahil may iba pa daw siyang gawaing naiwan doon.

Ilang minuto na ang makalipas saka ko napagdesisyunan na galawin ang pagkain ko. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw kapag ganito ang sitwasyon naming dalawa.

Paano ba kasi ako magsosorry? Wala naman kasi akong mahanap na rason para humingi akong tawad eh. Ayaw niya bang may gusto ako kay Luna? Nagiisang crush ko nga lang yun eh hays. Bahala siya 'di ako magsosorry sa kanya.

Biglang tumikhim si kuya dahilan para mapunta ang atensyon ko sa kanya. Sumisimsim ito ng kape at pasulyap sulyap pa sa gawi ko. Hindi ko malaman kung may gusto ba siyang sabihin sapagkat panay ang buka ng bibig niya ngunit wala namang lumalabas na salita rito.

Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya at nagpatuloy na lamang kumain. Akmang iinom na ako ng juice ng bigla itong magsalita.

"S-sol." He said calling for my attention.

I look at his direction and he looks like a puppy now seeking for forgiveness.

"Look baby, I-i'm sorry." He said, almost whispering.

"I'm sorry too kuya." I said while I am looking at his eyes.

Lumipat ito ng upuan sa katabi ko at saka nagsalita. "No baby, I'm sorry. Kuya just want to protect you, ayoko lang na masaktan ang baby ng family namin kasi mahal na mahal ka namin eh." sambit nito habang hinahawakan ang kamay ko.

"Don't you like Luna? I just like him kuya." I asked.

Hindi ko talaga maintindihan. Wala naman siyang sinasabe na ayaw niya kay Luna pero the way he talk, parang yun na rin ang pinaparating niya. Ang hindi ko pa magets eh bakit parang kung makaasta siya ay parang kilalang kilala niya si Luna.

"It is not that I don't like him-"

"I will be fine kuya, okay? I'll tell you right away kapag nasaktan ako, I promise." I cut his words and assured him with my words.

My 11:11 Turns Into 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon