Sol's POV
Nasa loob ako ng classroom at kakatapos ko lang mag attendance. Today is the 4th day of our school fair, bukas ang last kaya naman wala kaming ibang ginawa kundi gumastos, magenjoy, at maglibot sa buong university magdamag. Iniintay ko lang bumalik sina Althea dahil bumaba pa sila sa canteen para bumili ng pagkain.
Kinuha ko sa bag ko ang earphone at saka nagpatugtog ng music. Inihilig ko sa kamay ko ang ulo ko at saka isinandal ang likod. Naka full volume lagi ang music ko dahil minsan ayokong may naririnig na ingay ng mga tao, music pwede pa hehe.
Ilang minuto na akong na sa ganoong puwesto ng maramdaman ko na parang may kumakalabit sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpanggap na walang nararamdaman, pero kay Luna meron talaga akong nararamdaman >>_<<
Nagpaulit ulit ang pagkalabit sa akin kaya naman iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang kaklase kong nakatayo sa gilid ko.
"Sol sunod ka daw sa cafeteria sabi ni Althea, pinadala na din kasi nila yung mga bags nila doon kaya hindi na daw sila aakyat." ani nito sa akin at tinanguan ko lamang ito bilang tugon.
Wala naman akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanila. Dadaan muna ako sa locker para iwan ang ilang gamit ko katulad ng nakagawian, tutal wallet at cellphone lang ang laging nagagamit ko sa linggong ito ay yun lamang ang bibitbitin ko.
Paglabas ko palang ng classroom ay kita ko na agad ang tumpok ng bawat estudyante sa campus. Yung iba na madaraanan ko ay binabati ako at munting ngiti lamang ang isinasagot ko sa kanila. Kilalang kilala ako sa kahit saang parte ng university namin lalo na at marami ring lalake ang nagkakagusto sa akin.
"Hello Miss President."
"Hi Sol, Magandang Tanghali."
"Hey, Sol! Kamusta?"
"Hi Solasta."
"Hello Sol, mas maganda ka pa sa tanghali."
Ilan yan sa mga bumabati sa akin tuwing dumadaan ako. Hindi naman ako snob o mataray, sa aming tatlong magkakaibigan masasabi mo na ako na yung pinaka mabait- well sabi ng mga tao. Hindi naman umaangal ang mga kaibigan ko, sila pa nga ang nagke-claim niyon.
Agad na dumiretso ako sa locker ko at binuksan ito. Pagkabukas ko nito ay nanlalaki ang mga mata ko na makita ang sandamakmak na chocolate, flowers at kung ano ano pang regalo. Halos mapuno nito ang locker ko kumpara noon na tama lamang ang laman.
Kinuha ko muna ang mga ito dahil ayoko naman na iwan lang 'tong mga 'to dito. Iuuwi ko sila at ilalagay ang ilan sa box at kakainin ko naman ang mga chocolates ko hihi.
Matapos kong ayusin ang gamit ko ay naglakad na agad ako papunta sa cafeteria. Katulad kanina ay marami pa rin ang bumabati sa akin at panay lamang ang ngiti ko sa kanila.
Habang naglalakad ay nakita ko sa 'di kalayuan si Luna at nakatingin ito sa direksyon ko habang nakakunot ang noo. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa mabunggo ako sa isang matigas na bagay. Itiningala ko ang ulo ko at tinignan kung kaninong dibdib ang nabunggo ko.
Handa na sana akong humingi ng paumanhin ng makilala ko kung sino ang taong na sa harapan ko. "E-edward??" gulat na sambit ko sa pangalan nito.
"I miss you." nakangiti ito sa akin habang nakaturo sa hawak na nuggets nito.
"UWAAAAAA EDWARD!! NA MISS KITA!!!" napatalon ako sa tuwa at saka mahigpit na yumakap sa kanya. Si Edward ang childhood bestfriend ko, magkapit bahay kami dati kaso nung mag highschool kami ay nagmigrate sila sa America kaya naman ganyan ang reaksiyon ko.
BINABASA MO ANG
My 11:11 Turns Into 12:51
RomanceWhy did you make me feel like you want me when the truth is youre not even sure about me? Why did you tell me that you love me, when it is too late and now everything falls into its place. -Euloveee♡