Sol's POV
"Class Dismiss."
Pagkasabi pa lang ng prof namin ay tumayo na ako agad. Jusko, gutom na gutom na ako. Hindi ako nagbreakfast dahil late na ako nagising wengya naman.
Dali dali akong nagligpit ng mga gamit ko at basta na lamang na inilagay sa bag ko. Nakita ko naman na tapos na magayos sina Althea ng gamit, samantalang ako ay wala pa sa kalahati ang nakalagay sa bag.
"Sol, hintayin ka namin sa labas ha? Bilisan mo dyan nagugutom na ko girl!" reklamo ni Althea ngunit hindi ko na ito pinansin at mas nagmadali pang magayos ng gamit.
Naramdaman ko naman na naglakad na palabas sina Althea. Patapos na akong mag-ayos ng gamit ng biglang makarinig ng malakas na sigawan sa labas.
"OMGGGGG!!!!"
"AAAAAAAACCCCCCKKKKKKK"
"OH MY GOODNESS SINA L-"Palabas na sana ako para tignan ang ingay sa labas ng bigla kong masagi ang cellphone ko dahilan para bumagsak ito sa sahig.
"Fudge." bulong ko at pupulutin na sana ito ng may mauna sa akin para kunin ito.
"Oh, it's cracked."
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Luna na deretsong nakatingin sa mga mata ko.
Hindi agad ako nakapagsalita at tanging gulat lamang ang makikitang reaksyon sa mukha ko.
"Hey, Sol? Ayos ka lang? Namumutla ka. Gusto mo dalhin kita sa clinic?" sunod sunod na tanong nito.
"No no no, i'm totally fine. I'm just surprise that you're here in front of me and you're talking to me." saad ko rito.
"Absolutely 'cause as far as I know, we're friends already. Remember, sa bar?"
"Ahh yeah, sorry h-hindi pa lang ako sanay hehe."
"Hahahaha such a cutie."
Napangiti naman ako sa sinabe nito. Magsasalita pa sana ako ng dumako ang paningin ko sa cellphone ko.
"Shit! Nabasag. Aarrrrgghh, ayaw na magopen agad pambihira. Paano ko masusundo nito si kuya? Damn." dirediretsong saad ko na para bang wala si Luna sa harap ko.
"Aalis ka mamaya?" tanong nito. Hindi ko napansin na bitbit na niya ang bag ko at hawak niya ako sa pulsuhan habang naglalakad.
Nakita ko pa ang mapanuring tingin ng mga kaibigan ko. Maging ang tingin ng ibang students sa mga kamay namin ay kitang kita ko rin.
Wala naman pake si Luna sa mga tumitingin. Maybe because sanay na siya na lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Sanay na din naman ako pero hindi ako sanay na si Luna yung dahilan kung bakit pinagtitinginan ako.
"Uy, Sol?" tanong muli ni Luna sa akin dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
Napansin niya siguro na naiilang ako sa mga tingin ng mga estudyante sa amin. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.
He held my chin up at saka hinawi ang mangilan ngilang buhok na humaharang sa mukha ko. Bahagya niyang hinaplos ang mga pisnge ko at saka nagsalita.
"You're too beautiful to hide your face." he said while smiling at me.
He removes his stare at me and look around to the students. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at nagsalita.
"Quit your fucking stares, you all look stupid. Kung sino mang mahuli kong nakatitig sa amin at sa mga kaibigan namin..." he paused.
BINABASA MO ANG
My 11:11 Turns Into 12:51
RomanceWhy did you make me feel like you want me when the truth is youre not even sure about me? Why did you tell me that you love me, when it is too late and now everything falls into its place. -Euloveee♡