Story Review: Heartless: The Wicked Liar by kathipuneraaa

339 12 0
                                    

{Story Review: Heartless: The Wicked Liar by kathipuneraaa}

"Nagsimula akong magbasa ng mga Wattpad stories nung 2010 at alam na alam ko na ang mga pasikot sikot dito.

Karamihan sa mga napopost na kwento sa Featured, kung hindi million ang readers, pulang pula pa din naman ang number of reads at votes. Pero nito lang I found a story there na 20k lang ang reads. Nung una nag alangan pa ako kung babasahin ko ba o hindi. I even thought na baka may sira lang si Wattpad. Kasi nga naman, 20k lang reads tapos nasa featured?

Nagkataon na nung panahon na yun hindi pa nagu update si pajama_addict. Eh hindi naman ako demanding na reader kaya sabi ko, habang naghihintay maghahanap na lang muna ako ng ibang babasahin. Sabay nakita ko nga yang Heartless: The Wicked Liar. Kaunti ang reads pero nasa featured. Sabi ko pa sa sarili ko "Hindi naman siguro to maf feature kung walang K" so with no idea of what will happen, binasa ko na nga.

Ang unang napansin ko sa story ay yung pagkakasulat. Maganda. Malinis. May mga typo pero kakaunti lang. Hindi malayo ang spacing kaya hindi nakakahilo basahin. Please dont misunderstand this, but yung writer nun ay parang apprentice ni jonaxx. In some aspects magkahawig sila magsulat kagaya ng kung paanong hindi sinusubo lahat ng information sa mga readers nila. Yung tipong kailangan mo mag read between the lines.

About the substance of the story, I just love it. Sa kwento na to gagana ang critical thinking mo kasi mapapaisip ka talaga. You will even formulate theories of your own kung ano ba talaga ang nangyayari 

To make this short, maganda yung kwento at nagpapasalamat akong binasa ko yun na hindi naging bearing sakin na onti lang ang reads. Hapon ko siya binasa at hindi ko tinigilan habang hindi ko natatapos. Indeed, a page turner.

Anyway, ngayon naman 400k na ata halos yung reads niya dahil nga na featured."

-Mechanikanica

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon