Highblood

112 7 1
                                    

"May GF ako na writer sa Wattpad. Average writer siya. I think, mga 6-10k yung followers niya yung huli kong nakita. Di kasi ako nagbabasa ng Wattpad. Yung story niya lang. Buti nalang nakita ko tong page na to, at makwkwento ko dito yung experience ko.


Habang nagdadate kami, hiniram ko yung phone niya. Titignan ko sana yung inbox niya, titignan ano yung mga history msg. It's not that wala akong tiwala sakanya. Nakasanayan ko lang and i want to keep her mine forever. Tapos pagopen ko ng cp niya, nasa Wattpad. Sa Create section. Akala ko, napost niya na yung story. But to my dismay, hindi pa pala. Naiscroll ko at may naitype ako. Tapos tinanong ako kung save changes. Ni- 'no' ko. Tapos ayun, bumalik sa create list. Di ko na alam anong mayroon doon at tinarget ko na yung pakay ko. Tapos ayun, nang matapos binigay ko sakanya. Noong una nagkkwentuhan at tawanan pa kami. Tapos tangina,nalingat lang ako saglit maya maya galit na pinagsasabunutan ako! Parang maiiyak pa!


Footspa talaga. Nasa mall pa naman kami, pinagtinginan tuloy kami ng saleslady, Ganun kasi talaga yun, parang lion kung magalit. Tangna, kulang nalang lumabas ung mga kuko ni InuYasha at magka Renegan sa mata. Nalaman ko na nadelete ko yung chapter na dapat ipopost niya. Yun na pala yung last chapter at ilang gabi raw pinaghirapan yun. Naghabulan kami sa mall hanggang terminal ng sakayan, feeling ko kami si Sarah Geronimo at Luis Manzano na naghabulan sa daan, Pero oks lang, mahal na mahal ko naman yun. Umuwi pa rin siya, di natuloy yung date namen. Sumabit ako sa jeep ng sinasakyan niya punuan kasi, di pa rin ako pinansin. Nasa labas lang ako ng bahay nila, naawa na sakin yung Mama niya. Wala pa rin. Pero di pa sumasapit ang 12pm, nilabas ako. Naaawa ata saken. Nagkabati kami ng GF ko at pinoromise ko ng hindi na mauulit yon. LOL. Wala talaga akong alam.


Nang Dahil sa Wattpad dalawa ang narealize ko: 1. Nagiging makatotohanan ang anime pag nagagalit siya. 2. Hindi ko kayang magalit siya saakin and i do love her a lot.


Kaya yung mga lalaki diyan, pagtyagaan at mahalin nyo ang napakamoody nyong gf. Sa letter 'N' nagtatapos ang PN niya. She's a writer of GeneralFiction. Walang tatalo sa kaprangkahan nito. Hahaha. Pati ako nasusupalpal kapag pinarangka ako nito. Matinde."


-Boyfie


iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon