STANDPOINTS OF AN AMATEUR WRITER

419 22 4
                                    

"This would be long pero sana naman eh may mag-effort na basahin ‘to.

I am one of those AMATEUR writers. I do promote my work, joined wattpad book clubs and wattpad groups. I am also one of those butthurted writers in every rant.

High school ako nag-umpisang gumawa ng story na isinusulat ko lamang sa aking lumang kuwaderno o di kaya mga papel na di ko na gagamitin. Mahilig akong gumawa ng mga maikling kwento at pinapabasa ko yun sa mga kaklase ko. And honestly, yes, I do appreciate when someone likes my work. Kapag sinasabi nila na maganda ang gawa ko ay talagang natutuwa ako. Iba kasi sa pakiramdam yung mapuri nila yung gawa mo.

4th year high school ako nahiligan kong magbasa ng ebook. Kadalasan ay mga soft copy iyon. Legal man o illegal. Una kong nabasa ang mga katha ni Ate Denny, alyloony, aril daine at iba pang sikat na Teen Fiction writers. Aaminin ko rin na sila ang naging inspirasyon ko para gumawa ng account sa wattpad.

2012 ako nang maipost ko ang unang story na gawa ko pero dahil na rin sa rason na wala akong sariling laptop ay binura ko ang account kong iyon. Di pa ako bihasa sa wattpad nung mga panahon na yun at nakontento ako sa pagsusulat sa papel.

It’s been a year nang p-in-ublished ko ang isa sa mga naisulat ko. May nagpost nun sa message board ko at inaya akong sumali sa isang book club. Sumali naman ako at dun ko lubos na nahanap yung mga tulad ko na AMATEUR. We trade votes and comments. At isa rin ‘to sa mga nira-rant ng karamihan sa mga kritiko sa wattpad. 

Aaminin ko na somehow eh nakakasakit na rin makapagbasa na kaming mga AMATEUR eh mga ‘trying hard’ na writers na gustong sumikat sa wattpad. Oo ginawa namin na sumali sa book clubs but never kong pinagsisihan yun. Alam niyo kung bakit? Kasi kami din yung mga WRITER na READER. Hindi kami yung tipo ng mga tao na maglalagay ng sugar-coated statements sa comment box ng story ng bawat isa. We also criticize works. At dahil dun eh marami kaming natututunan. Aminin man kasi natin o hindi, mas madali nating mapuna ang pagkakamali ng iba kesa sa ating sariling mga mali. I learn from my mistakes and I also learn from their mistakes.

Gumamit rin ako ng emoticons nung una. Una kasi nacu-cute-tan ako dito. Naaalala ko dati na nakakadagdag ito sa emosyon na nararamdaman ko kapag nagbabasa ako ng ebook. Marami kasi sa mga sikat na wattpad authors ang gumamit neto and partly yes, naimpluwensyahan ako. Naalala ko pa dati yung sinabi ko tungkol dito – NEVER UNDERESTIMATE THE POWER OF EMOTICONS. But somehow eh natuto ako. Marami akong nabasa about writing in a skilled manner.

Formal way of writing? Masasabi mo ba na informal ang way ng writing ng isang writer kapag hindi ito realistic? Marami rin kasi ang mga rants na nabasa ko about this. Na kapag hindi realistic ay hindi maganda. At some point oo. But as for me, I am not really a fan of reality. I am an idealistic person. I am a hopeless romantic. Kaya ang mga nagugustuhan kong story ay yung at some point ay hindi makatotohanan. Somehow kasi ay nalilibang ako neto mula sa makamundong realidad. 

Kung isa man sa mga rason ng isang amateur writer na sumulat sa wattpad para mai-published as book ang gawa nila eh ang tanong, may masama ba sa hangarin na yun? Wala ba kaming karapatan na makagawa ng istorya na maaari namin makita sa bookstores? 

Cliché plots. Alam mo ba kung bakit kahit na gasgas na ang plot ng isang story eh tinatangkilik pa rin ito ng mga mambabasa? Well, marunong magdala ang author eh. Gusto ko yung mga ganun. Karamihan rin kasi sa mga tulad kong author ay gasgas ang plot pero pag binasa mo ay talagang maho-hooked ka dahil sa mga kaganapan sa kwento. So walang masama kung cliché ang kwento mo as long as marunong kang magdala.

‘We write to express not to impress’. Yes it’s true. But at some point, di ba ang sarap sa pakiramdam kapag may mga taong nakakaappreciate ng gawa mo? Yung tipong nagagawa mong hawakan ang emosyon nila? Sa totoo lang kapag may nagko-comment sa story ko something like ‘kinikilig’ sila eh yun din yung nagpapakilig saken. Dun ko kasi nalalalaman kung effective ba ginagamit kong mga salita para maimpluwensyahan ang emosyon ng isang tao. I love words and I love to put emotions in every words I write. 

Lastly, ang mga gawa ng isang AMATEUR ang kadalasang di napapansin. Kaya big deal para sa’min kapag ang isang reader ay nagli-leave ng comment. Nakakataba yun ng puso.

Kaya nakakasakit rin makabasa ng mga paratang like ‘SAVE LITERATURE’ na ibinabato sa’min. Bakit? Ano nga ba ang literatura? 
Define it and you judge it. 

Ang wattpad ay ginawa para maabot ang libo libong manununulat at mambabasa. Walang nakatalagang rules and regulation sa pagsusulat kaya nagsisilbi itong training ground. Ang importante dito ay sa bawat pahina na nagagawa mo ay may natututunan ang mambabasa at may natututunan ka.

Marami kaming mga AMATEUR. And truth be told, marami akong nabasang gawa ng isang amateur na daig pa ang gawa ng isang sikat na author. Marami ang magaling na hindi sikat.

Sa panahon kasi ngayon, ‘kasikatan’ ang nagsisilbing mata. Reads, votes and comments na rin ang nagsisilbing basehan ng isang babasahin. But hindi ko nilalahat. Maraming sikat na author ang deserving sa kung ano ang meron sila ngayon.

Being a realistic is also wishing for the impossible. Nangangarap rin kami na sana balang araw ay maging isang inspirasyon rin ang isang amateur na tulad namin sa inyo."

-proletarian

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon