Gain Respect to Each Other

176 7 0
                                    

"Isa akong Author sa Wattpad, siguro ang ilan sainyo hindi pa ako masyadong kilala dahil last year lang ako nagsimula. Gayunpaman, alam kong ang ilan sainyo ay nabasa na ang akda ko. First story ko 'yun, General Fiction at sa kasalukuyan, tumatakbo ito ng 1.5m+ plus. Sobrang saya ko. Kasi hindi ko akalain na 'yung first story ko ay naging successful. Though, alam kong hindi siya PERPEKTONG story.

Medyo mahaba itong confession ko. Pero nais ko lang maging aware tayong lahat. Mapa Author man o Reader. Pantay pantay lang tayo. Tao lamang tayo. As a writer of General Fiction, masasabi kong nagustuhan ng mga readers ko ang kwento. Mula sa feebacks at mga PM nila. Ito talaga ang linya ko. Sa GenFic at Romance talaga ako, ito ang best line ko. I'm not born for Teen Fiction/Fan Fiction Genre.

Yes, I understand na lahat tayo iba iba ang persepsyon sa buhay, pananaw, opinyon at kaugalian. Pero it doesn't mean na dahil iba iba tayo ng kinalakihan ay karapatdapat na kayo mambastos ng taong hindi nyo kaano-ano o kilala. There's one reader that accusing me na nangaya lang daw ako ng scene sa ibang story na w/c is very popular on Wattpad. Sorry, pero ni hindi ko nga kilala Author 'nun o nabasa man lang yung gawa na yun. Kinokompara niya ang gawa ko sa gawa nun, ang point ko, kung ayaw mo basahin ang isang story, stop. No one's forcing you to read it. Pero accusing me na ginaya ko which is plagiarism, ay napakasama sa pandinig hindi ba? Kahit hindi ako guilty, nakakasakit bakit kailangan ishout out sa comment box. For me, Comment box is made for sharing comment, suggestion and love. Not for trashy comments na nakakasakit sa Author.

BUT, matatangap ko pa sana 'yun. Ang kinapuputok ng butse ko, iyong sinabi ko na sa unang una palang ng Note ko na, Under Revising na ang story, under major editing, maraming wrong spelling at grammars pero hala sige, bawat sentence talaga na mali yung spelling ko due to typo error, aba, talagang cinocorrect nya. Na akala mo nagambag siya ng ideas o pagod ko sa paggawa ng story na 'yun. Hindi lang sa Wattpad nagrerevolve ang buhay ko, i have my family, my school and my personal issue hindi ko agad agad in just one click maaayos lahat ng wrong grammars/spelling ko.

Oo, andoon na ako sa dapat icorrect, paano nga naman kung maghatid 'to ng maling impormasyon sa mga readers, hindi ba? Pero ang tanong, hindi naman siguro walang isip ang mga readers para hindi alamin ang mali sa tama. Walang taong bobo. Okay lang sana icorrect, pero yung sa nakakairitang way?

I'm not perfect. No one's perfect. Lahat tayo nagkakamali. Even my greatest prof, even famous writers, masakit sa mata iyong makapagsalita sa Author ganoon ganoon na lamang. Hindi nyo naman binabayaran ang pagsusulat namin. Nagsusulat kami para sainyo kaya sana makipagkooperasyon tayo sa isa't isa.

Ang mapapayo ko lang sa mga masyadong perfectionist, if you have problem, consult directly sa Author in a private term kasi masyadong nakakabastos sa Author. Milyon milyong tao ang nagbabasa ng Wattpad.

And last but not the least, before you accuse someone, better check yourself in the mirror first. Baka kasi maging katawa tawa ka lang or better try make your own story. Nang sa gayon malaman nyo na 'yung iba hindi kanais nais ang inuugali sa Wattpad.

Let's gain respect to each other. Dapat nagkakaisa at nagmamahalan tayo.

#SorrybutNotSorry"

-TheGorgeousAuthor

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon