Inspiration

169 9 0
                                    

"Sabi nila kapag daw magsusulat ka ng story, dapat walang inspiration. Kase daw  kapag nawala na yung inspirasyon na yun, pano na yung story mo?

Nung una naniniwala ako dito. Kase dati, nagsulat ako ng story sa wattpad tungkol sa crush ko. Eh one day, nawala na yung pagkakacrush ko sakaniya, naturn off ako tapos may gf na siya. Nung time na yon, nawalan na ko ng gana magsulat/magtype kaya lahat ng pinaghirapan ko, nasayang.

Pero may isa nanamang plot yung pumasok sa isip ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Ay, wag na lang. Baka mawalan din naman ako ng gana eh. Sayang lang din.' Pero araw araw pumapasok sa isip ko yung plot, pati ending nasa isip ko na din. Ayun, sinulat ko nalang siya. Naisip ko, hindi pala totoo yung sinasabi nila na dapat walang inspiration ganiyan ganiyan. Kase ngayon? Yung inspiration ko, si God."

-InspiredWriter

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon