Wattpad Presents

194 8 0
                                    

"Sa mga nanlalait sa Wattpad Presents dahil lang sa mga baguhan ang artista. Bakit kaya hindi ninyo sila bigyan ng chance 'no? Sa totoo lang, wala naman sa artista 'yan, nasa story 'yan at sa promotion na rin mismo ng network. Bakit naman sina James Reid at Nadine Lustre dati e hindi naman sikat no'ng nagshooting ng DNP hindi ba? Pero ngayon sikat na sikat sila. Makatarungan bang isisi sa artista kung bakit hindi nag-re-rate ang show?

Ang ayaw ko lang din sa Wattpad Presents eh puro na lang RomCom ang pinapalabas nila. Sa totoo lang nakakaumay na kaya. Parang paulit-ulit na lang. Ang dami-daming genre na pwedeng kunin sa Wattpad pero puro pa-tweetums ang palagi nilang ginagawa. Tapos ang bababaw pa ng conflict ng mga stories nila. Ewan ko kung dahil iyon talaga ang nasa book o sinadya talaga nila iyon?

I know iyong iba tinatamad nang manuod dahil ayaw ninyong sirain ang imagination ninyo. Pero hindi ba ninyo naisip na para na rin ninyong tinalikuran ang fav authors ninyo kapag ginawa ninyo iyon? Bakit hindi na lang kayo maging masaya para sa kanila?"

-GuessWho

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon