The Commoner

142 6 1
                                    

"Hi whoever you are. I just wanna share something with you and sana po mapost 'to.

I write for fame. Not literally, haha basta kwento ko muna sa inyo kung bakit.

Isa po akong simpleng tao na maraming hinanaing sa buhay.My parents dont usually care for me. Sa school binubully ako. Ang mga teachers naman hindi naniniwala sa kakayanan ko. Siguro nga ako lang yung taong may ayaw sa vacation e.

I'm not that nerdy type na binubully. In fact, simple lang po ako. Binubully sa maraming dahilan. Fast forward, dahil nauso na ang wattpad. Yung mga nambubully sakin medyo nawawalan na ng interes na bullyhin ako dahil sa Wattpad. Puro babae sila.

May nasabi sakin ang isang miyembro ng grupong yun na "dapat di ka na lang nabuhay." ganto ganyan. Syempre masasaktan ka kasi parang pinagkait sayo yung pagiging tao mo di ba? Sa sobrang sama ng loob ko, sinulat ko lahat ng inis at galit ko sa wattpad. I dont know what hit me pero nagkaroon ako ng urge na magsulat.

Wala naman akong pake noon sa reads and vomments na yan kasi makakain ko ba yan? Di ba hindi? So what's the use?

Then napansin ko na bakit parang ang daming libro nila? Yung pare-parehas yung pagkakadrawing? Hinanap ko siya sa google then i found out na Pop Fiction 'yon under Summit Media.

Wala naman akong pake doon eh, tas may one time na inutusan kami ng guro naming magsulat ng short story. Yung parang one-shots ganon. Ang saya ko nun kasi nalaman ng teacher ko na may kakayanan akong magsulat. She did encourage me to write in wattpad. 

Napagisip kong isulat yung ginawa ko sa school namin.

Sa sobrang saya ko, may maninira nanaman sa araw ko. Yung nambubully sakin.

Dito na talaga ako nagalit pero kinimkim ko na lang.

Siya: Hoy, di porket pinuri ka ni mam eh feeling writer ka na. Echosera ka masyado teh. Mas magaling pa nga ako sayo eh tss. *tas nagwalkout na silang apat. Mga punyeters.*

On that day, sobrang depress ko kasi wala akong maipagmalaki sa sarili ko man lang. Naiinis na nakakaiyak pero ano bang magagawa ko? Naisipan kong buksan ulit ang acc ko sa WP, 2 buwan ko kasing di nagamit e.

Nagulat ako kasi ang daming nagbasa. Feeling ko nga nanaginip lang ako na gising. Seryoso isang chapter pa lang non ang nasulat ko tas nasa 4k reads agad? Ang saya lang 'di ba? So ayun tinuloy ko lang ang pagsulat noong 2013 up until now nagsusulat pa rin ako.

At ngayon na magiging isa nako sa mga published author, mayroon nakong maipagmamalaki.

Nagsulat ako para ipakita sa mga taong nanghusga sakin na kahit ang dami kong pagkukulang sa sarili na kahit di ako ganto o ganyan, may maipagmamalaki ako. And i think it's already my time to shine, isnt it?

Gusto ko lang sabihin na kahit maraming tao na hinihila ka pababa wag kang sumuko dahil binibigyan mo lang sila ng dahilan para kawawain ka nila.

Finally, masasabi ko na yung words na "who u kayo sakin" sa kanila.

Parang medyo bad girl lang. Hahaha."

-writer

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

iCONFESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon