PANG M.U #66

28 8 2
                                    

Michaella Understanding

10:00 PM

Matthew:
Hindi ka nagchat ka kahapon :<

Matthew:
May nangyare ba? Kamusta si nanay?

Matthew:
Di na ba sya inaatake ng sakit nya?

Matthew:
Natanggap mo ba yung load kahapon di ka kase nagreply eh pumunta pa ko dun sa kanto para tignan yung number mo ayun tama naman hahaha

Michaella:
Natanggap ko

Michaella:
Bat mo pa ko pinaloadan? Ngayon kinain na yung pinaload mo sakin kahapon kase nga may load ako nun

Michaella:
Nagsasayang ka lang ng pera

Matthew:
Ayos lang sayo naman eh

Michaella:
Nahihibang kana ba?

Matthew:
Kamusta na si nanay?

Matthew:
Gumagaling ba sya kahit wala sya sa ospital?

Matthew:
Yung mga gamot nya? May gamot pa ba sya?

Matthew:
Kung wala sabihin mo may pera pa ko dito ipapadala ko ulit

Michaella:
May gamot si nanay pinadalhan ako ng kaybigan ko ng pera.

Matthew:
Ikaw kamusta ka?

Matthew:
Galit kapa rin ba sa pag myday ko ng picture mo?

Matthew:
Bakit pag ako nagagawa ng mali ang hirap nyong kalimutan pero pag iba yung nakagawa ng mali sainyo sobrang dali nyong kalimutan

Matthew:
Kung yung math ang dali dali kong isolve pero eto? Miski yung equation hindi ko malaman

Matthew:
Hindi ko maintindihan Michaella

Michaella:
Matulog kana pagod ako

Matthew:
Okay good night ingat ka palagi

Matthew:
(sqrt(cos(x))*cos(75*x) +sqrt(abs(x))- 0.7*)4-x*x^0.2, sqrt(9-x^2), - sqrt(9-x^2), - x
Seen

Gusto ko pang umapela at dugtungan pa ang aking sinabing saloobin ay hindi ko na ginawa dahil sino ba ko sakanya? Sino ba ko para magreklamo? Taga turo sakanya ng math? M.U? Eh lahat naman yan ay parang wala lang sakanya.

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon