EPILOGUE

57 7 10
                                    


Bawat araw ay hindi ko nakakalimutang magmensahe kay Michaella... Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga nadating sakanya yung mga mensaheng pinapadala ko sa kadahilanang nakablock na ako sakanya.

Ilang beses nako gumawa ng account at nagamit ko na ata lahat ng mga number dito sa bahay para sa verification code pero naubos nalang lahat ng wala akong natatanggap na mensahe pabalik sakanya.

Hindi ko alam pero wala namang masama kung palagi akong magbakasali... Magbakasali na baka isang araw ay mawala na yung galit nya sakin na kung ano man yung nakikita nyang naging kasalanan ko.

"Libing ni Precious ngayon boy hindi kaba pupunta?" agaw pansin sakin ni Devon na hawak pa ang susi ng kanyang sasakyan pero agad nya din itong binato kay Denver dahil kakainom nya lang ng isang baso ng alak ay pinaiinom nanaman sya.

Ganon pala siguro talaga... Kahit gaano pa kayo katagal magkausap... Kahit gaano pa kayo ka-komportable sa isa't isa... Kahit gaano pa kayo ka-sweet kakabato ng sweet lines sa isa't-isa...

May isa pa rin sainyong dalawa ang bibitiw... Mawawalan ng gana... Mawawala...

"Baka andon si Michaella boy, baka way na rin yun ni Precious para makapagusap kayong dalawa" singit ni Joshua na mukhang nagaalanganin pa sa kanyang sinabi pero nagsalita ulit ito na parang wala ng bukas dahil na rin siguro sa dami nyang nainom."Tangina di mo kase jinowa agad eh m.u-m.u ka pang nalalaman, take it slow kapang nalalaman, dami mong alam"

"Ikaw ngang hindi nagtake it slow iniwan pa rin eh" sabat ni Renz kay Joshua at magsasalita pa sana si Joshua para depensahan ang kanyang sarili ng inilapit ni Renz sakanya ang isang baso ng suka.

Mahirap pala talaga yung gantong Mutual Understanding lang... Hindi required na lagyan ng label... Hindi required magupdate kayo sa isa't isa... Hindi required na magiloveyouhan kayo...

Pero mas masakit pala kung lahat yan ginagawa nyo kase umaasa ka... Umaasa ka na meron hanggang dulo...

"Walang ibang taoism don sa libing ni Precious gorl, you know the protocol naman diba puro familys nya lang pero hindi ko alam kung pupunta nga si Michaella gorl you knowniz her naman diba halos Debbie Gibson nga si Matthew kay Precious" nagliliptint na sabi ni Jancis.

"Anong Debbie Gibson?" tanong ng hindi ko malaman kung sino dahil iba ang boses.

"Givenchy sa tagalog ibigay poneta bat ba kayo pinasa ng mga prof nyo kung simpling definition of termis ko hindi nyo magetschi" nagngangalaiting sabi pa ni Jancis na patuloy pa rin sa pagliliptint "Chaka naman ng liptint mo Devon nanunuyo agad di ko malagay ng maayos sa cheeks dapat hindi ko piplastik yung feedback ko sayo"

"Puno kase ng pores yang mukha mo kaya natutuyo agad sinisipsip ng pores mo yung liptint" sabat naman ni Denver sakanya na pilit itinaas ang kanyang telepono sa bintana upang makahanap ng signal, kamuntikan pa itong malaglag sa sobrang kahiluhan sa alak na dala nya pero sa kabutihang palad ay nasalo nya ito agad.

May karapatan magselos pero di mo pwedeng sabihin... Pwedeng angkinin pero di mo sya pwedeng kontrolin... Pwedeng ipagdamot pero di mo sya pwedeng pigilan sa kung anong magiging desisyon nya...

Ang labo hindi ko alam kung may susunod pa ba o talagang wala na kase M.U lang kayo.

"Nagusap naba kayo ni Michaella?" nanunuyang sabi ni Renz sabay ayos sa kanyang salamin na malalaglag na.

"Bi-block ka?" sabat ni Joshua na animoy napagdaanan nya na ang lahat nang napagdaanan ko. "Ganyan na ganyan yung ginawa nya sakin"

"Nagkalabel kayo, kami hindi kaya wag mong ikumpara yung sainyo at yung amin" kung ikukumpara ako kay Joshua ay di hamak na mas maswerte sya kumpara sakin dahil sya, nakita nya pa ng huling beses si Claire bago sila maghiwalay ng landas pero ako? Hindi ko alam. Ni hindi ko nga nakita yung mukha nya simula ng una kaming magkausap kami eh.

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon