PANG M.U #71

31 7 6
                                    

Fact Boy Kame (Kami ang tama, hindi ang tamang panahon)

Renz:
Pasado ako mga tongaw

Joshua:
Asado rin ako grabe mga bano sobrang nakakagutom pala magintay ng result

Denver:
Tragis nagloloko yung internet nanaman may nagsend na kanina na nakapasa ako tas biglang nawala

Denver:
Tragis nagloloko yung internet nanaman may nagsend na kanina na nakapasa ako tas biglang nawala

Devon:
Hindi ako napasa boy HAHAHAHA tama yan tas yung makukuha nyo pambili nyo ng products ng kachat ko

Jancis:
Ako rin pero okay lang maganda pa rin ako wala naman pogi don sa pila ng kuhaan ng scholarship

Renz:
Hoy tongaw porket may label kana siseen mo kame??? @FactBoyMatMatFloormat

Matthew:
Monggoloid wala pa rin kaming label pero pasado ako

Devon:
Yabang

Jancis:
Pangit mo

Sa hindi maipaliwanag na kasiyahan sa aking kalooban ay agad kong chinat si Michaella. Kahit naman hindi ko sya tanungin kung napasa sya ay alam ko naman na napasa sya. Ako ata nagturo sakanya.

Michaella Understanding

10:00 PM

Matthew:
Babaaaa
Seen

Matthew:
Napakapasa ako

Matthew:
Masaya ako na kasama kita habang nagrereview ako

Matthew:
Sabay sana tayo kaya lang si mama dodoblehin nya raw yung ipapahugas nya saking plato pag di ko pa tinignan
Seen

Matthew:
Nakita mo na ba yung result?

Matthew:
Kung bat kase private pa eh pare-parehas lang naman makakapasa
Seen

Matthew:
Gusto mo ba loadan kita para makita mo agad?

Michaella:
Nakita ko na yung result hindi mo na kelangan gumastos

Matthew:
Sabi sayo makakapasa ka eh

Matthew:
Ako ba naman taga teacher mo eh

Matthew:
Tsk tsk tsk

Matthew:
Ehem baka naman label

Wala pa sa alas kwatrong binura ko agad ang aking huling sinabi. Alam kong sumagot na sya nang I heart you kagabi pero baka mabigla naman sya kung madaliin ko sya.

Matthew:
Kamusta na si nanay

Matthew:
Sigurado masaya yun pag nalaman nya na nakapasa ka

Michaella:
Matutulog nako

Matthew:
Ganon ba sige madami ka nga pala inaasiso

Matthew:
Congrats ulit

Matthew:
(sqrt(cos(x))*cos(75*x) +sqrt(abs(x))- 0.7*)4-x*x^0.2, sqrt(9-x^2), - sqrt(9-x^2), - x
Seen

Dapat ay nagsasaya ako marahil kagabi ay sumagot na sya sakin at pareho kaming nakapasa sa scholarship pero bakit parang iba nanaman? Bakit nagiba nanaman sya?

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon