PROLOGUE

290 28 25
                                    

Welcome to M.U World. My name is Matthew. Mattalino, Mattinik, Mattbait at higit sa lahat Mattgaling sa Math... Ang pinaka gwapo sa pang M.U World and I believe na kung walang label, walang magbrebreak. My name is Matthew at may katagang "Maguusap pa rin ba tayo kung sasabihin ko sayo na ayoko na ng M.U?"

Pag araw-araw ba kayong magkausap matatawag na ba yun na M.U? Pagkomportable na kayo sa isa't isa, Pagnagbabatuhan na kayo ng mga sweet lines.

M.U naba yun?

Pagmatagal na ba kayong naguusap required na lagyan nang label? Required na magupdate kayo sa isa't-isa? Required na magiloveyouhan?

Required bayun?

Wala bang karapatan magselos pag walang label? Ang angkinin kaya sya? Ang ipagdamot sya sa iba?

Wala ba talagang karapatan?

Hindi kaba isasama sa mga priority nya pag M.U lang? Hindi kaba nya uunahin? Hindi kaba nya pipiliin sa huli?

Hindi ba talaga?

Pag ba walang label toxic na agad? Bakit naman yung ukay-ukay? Wala namang label pero pinagkakaguluhan pa rin? Pinipilahan pa rin, kahit alam nilang may nakagamit na nun? Sa madaling salita may Value pa rin.

Paano mo sasabihin sa isang tao na ayaw mo na ng M.U pero di mo sasabihin na gusto mo na ng label?

My name is Matthew. Mattalino, Mattinik, Mattbait at higit sa lahat Mattgaling sa Math... I believe na kung walang label, walang magbrebreak.

Ligayainlongterm
All Right Reserved

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon