PANG M.U #5

86 19 4
                                    

Michaella Dei

10:00 PM

Michaella:
Mama mo kilala eh nung isang araw nga lang tayo nagusap

Michaella:
Phota to

Matthew:
Sorry

Michaella:
Atlis narealize mo yung mali mo kahit hindi ko sabihin sayo

Michaella:
Pasalamat ka marupok ako sa matalino

Matthew:
Anong kaya sige na?

Matthew:
Tuturuan na kita?

Michaella:
Sa?

Matthew:
Magreview sa math nakita ko share post mo

Matthew:
Bakit may magtuturo naba sayo?

Agad akong nanghina nang maisip na may ibang magtuturo sakanya pero kung meron nga ay nasisiguro kong mas magaling at mas matalino pa rin ako.

Michaella:
Wala bakit selos ka?

Matthew:
Asa ka

Michaella:
Hindi nako nagpasa ng requirements sa scholarship

Matthew:
Bakit?

Matthew:

Matagal pa naman yung exam, nakita ko sa website sobrang haba pa ng oras natin para magaral

Michaella:
Ewan basta nawalan nalang ako ng gana, kinakabahan ako sa lahat ng bagay

Michaella:
Sabi din ng kaybigan ko required daw na matalino don hindi ako pasado kaya wag ko na daw subukan kase di naman daw ako makakapasa don kase bobo naman daw ako.

Matthew:
Hindi naman sa pangengeelam pero kaybigan mo ba talaga yan? Bakit ka nya dinadown kung kaybigan turing nya sayo?

Michaella:
Kaybigan ko sya.

Matthew:
Tsaka bakit na try mo na ba?

Matthew:
Nakita nya na ba yung exam para idown ka nya ng ganyan?

Michaella:
Hindi pa

Matthew:
Exactly.

Matthew:
Magtatake ka pa rin, magaaral pa rin tayo.

Michaella:
Pano pag tama yung kaybigan ko?

Michaella:
Baka masayang lang yung scholarship na dapat sa iba nalang napunta imbis na sakin

Matthew:
Lahat deserve na pumasa

Matthew:
Yun nga lang may mga hindi pinalad pero atleast diba nagtry sila walang pagsisi silang nararamdaman kase nga nagtry sila

Matthew:
Kaya ikaw wag mong hayaan na magsisi ka sa future kase wala kang tiwala sa sarili mo, na wala kang ginawa nang araw nayun, na wala kang pinatunayan.

Matthew:
Magreview pa rin tayo bukas papatunayan natin dyan sa sinasabi mong kaybigan na matalino ka

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon