PANG M.U #24

49 10 7
                                    

Mukhang Mangga Si Michaella

10:00 PM

Michaella:
Sorry kung di ako nakareply kagabi pumunta kase ako computer shop sisearch ko yung module ng kaybigan ko

Matthew:
Lumabas ka ng hating gabi?

Matthew:
Tsaka anong sinasagutan mo yung module mo kaybigan mo? Bakit ikaw ang nasagot nyan?

Michaella:
Oo may mga ilaw naman sa labas

Matthew:
Kahit na pano kung napano ka sa daan?

Matthew:
Saan ka hahanapin?

Michaella:
Ngayon lang naman yun tsaka minsan lang sya humingi ng pabor sakin


Michaella:
Ano nga ulit yung pinapasagutan mo?

Matthew:
Ayan ba yung nagsabi sayo na wag kana magpasa ng requirements?

Michaella:
Matagal nanaman yun kinalimutan ko na

Matthew:
Kahit na.

Matthew:
Ayan ba yung kaybigan? Chinachat lang pag may kelangan pag pagsasalitaan ka ng kung ano ano?

Michaella:
Bat ba apektado na apektado ka?

Michaella:
Taga turo ka lang naman ng math sakin sya lang yung kaybigan ko na alam na lahat sakin pero hindi pa rin ako iniwan

Michaella:
Sya lang yung nagstay sa tabi ko kahit pinapahiya nako ng madaming tao

Michaella:
Sya lang yung nagstay kahit alam nyang prostitute yung nanay ko kase lahat ng nakikipagkaybigan sakin nalayo pagnalalaman o nakikita nilang ganon trabaho ni mama

Michaella:
Kaya lahat ng kaybigan ko puro online kase hindi nila nakikita suot ng nanay ko

Matthew:
Kinakahiya mo ba nanay mo?

Michaella:
Sasabihin ko ba sayo kung oo?

Matthew:
Kahit na hindi ka nya dapat pinagsasalitaan ng kung ano ano

Michaella:
Wala kang alam Matthew, taga turo lang kita

Michaella:
Bye na may pinapasagutan ulit sya bukas kana lang ulit magturo

Matthew:
Ingat
Seen

Katulad kahapon ay inintay ko syang magreply pero mukhang malabo dahil busy nga pala sya kakasagot ng pinapasagutan sakanya ng kaybigan nya. Hindi ko alam pero biglang kumirot nang bahagya ang aking kaliwang dibdib na hindi ko alam kung bakit dahil taga turo lang naman ako ng math sakanya para makapasa sya sa scholarship na pangarap nya o nang malamang mas mahalaga sakanya ang opinyon ng kaybigan nyang kinakausap lang sya tuwing may kaylangan.

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon