PANG M.U #79

32 8 4
                                    

Hindi ako sagot sakanyang mensahe nung isang araw bukod sa masasakit na salitang sinabi nya kung di dahil na rin kakatrabaho ko mapaloadan lang sya at makapabayad ng utang sa mga kaybigan kong hiniraman ko ng pera na pinadala ko kay Michaella noon.

Pinindot ko ang aming koserbasyon at pinilit baliwalain ang mga sinabi nya nung isang araw kahit pa kitang kita ito dahil wala naman kaming chat kahapon.

Michaella Understanding

10:00 PM

Matthew:
Baba

Matthew:
Sorry di ako nakachat kahapon

Michaella:
Hinulog ko na yung perang pinahiram mo sakin

Michaella:
Tinext naba sayo yung control number? Pag wala pa intayin mo lang kase kakahulog ko lang nun

Matthew:
Bakit?

Michaella:
Anong bakit? Wag ka magaalala tama lahat ng info mo don pati number mo didouble check ko

Matthew:
Bakit mo to minamadali?

Matthew:
Ano bang problema Michaella? Sabihin mo kase nagmumukha nakong tanga eh diba sabi ko sayo magopen ka sakin anong mahirap don?

Michaella:
Sinabi ko na sayo kung anong problema Matthew. Ikaw lang ang gumagawa ng ikakatanga mo.

Matthew:
Hindi natin problema ang problema ng kaybigan mo kaya bat mo sya sinasali satin

Michaella:
Kung di sya kasali sa problema mo pwes sakin kasali kase kaybigan ko sya

Michaella:
At tayo? Wala

Michaella:
Walang namamagitan satin Matthew kaya itigil mo natong kahibangan mo

Matthew:
Wala tayo label pero Michaella naman

Matthew:
Wag naman ganto Michaella

Michaella:
Wala tayong mapapala sa gaganto natin Matthew

Michaella:
Ayoko na ng ganto.

Matthew:
Pano ako Michaella?

Matthew:
Nagseselos ako Michaella, gusto kitang ipagdamot tangina pero wala ayoko maging imature sa paningin mo kase anong laban ko eh kaybigan mo nga yun

Matthew:
Sana kinaybigan mo nalang din ako para piliin mo rin ako

Matthew:
Para nasa option din ako, para nasa priority mo rin ako, para ako naman yung unahin mo tangina

Matthew:
Hindi yung gantong kahit sa choices ng pagpipiliin wala, ako

Matthew:
Sobrang labo Michaella

Michaella:
Kahit maging kaybigan kita Matthew si Precious pa rin yung pipiliin ko

Matthew:
Kase may sakit sya

Matthew:
Pano kung ano ako yung may sakit?

Matthew:
Nasa choices naba ko?

Michaella:
Ichat mo nalang ako kung may mali sa nalagay kong info para kung sakaling may mali akong nalagay don maayos ko agad bukas para na rin makuha mo na yung pera

Matthew:
Nasa option na ba ko Michaella?
Seen

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon