PANG M.U #78

32 8 1
                                    


Dahan-dahan akong lumunok ng buksan ko ang mensahe ni Michaella na hindi ko nabasa, gawa ng bigla nalang namatay ang aking telepono kagabi. Hindi ko alam kung yung tadhana na yung ayaw magpabasa sakin ng mga sasabihin nya para di ako masaktan o sadyang di ko lang chinacharge para di ako masaktan sa mga susunod nya nasasabihin?

Michaella Understanding

SUN AT 11:59 PM

Michaella:
Hindi mo ba nakikita ha?

Michaella:
Hindi mo ba napapansin nung una palang?

Michaella:
Ginamit lang kita Matthew, ginamit ko lang yang talino mo para makapasa ako sa scholarship, para makapag-review.

Michaella:
Pero parang baliwala lang naman yung panggagamit ko sayo kase hindi naman ako nakapasa.

Michaella:
Bumagsak ako.

Michaella:
Alam mo kasalanan mo rin to eh kase di mo ko sinabihan ng kung ano ano, kung di mo tinakpan yung mga masasakit na sinabi sakin ni Precious

Michaella:
Hindi mangyayare to

Michaella:
Hindi na dapat ako sasali sa tanginang scholarship na to pero dahil sayo, dahil dyan sa mga salita mo sumali ako, napanatag yung loob ko

Michaella:
Oh tapos umasa ako na mamakapasa ako kase may naniniwala sakin

Michaella:
May naniniwala pa sakin.

Michaella:
Pero Matthew hindi si Precious yung nangdodown sakin ng sobra. Ikaw Matthew.

Michaella:
Kaya hanggat maaga pa itigil na natin to Matthew

Michaella:
Wag na natin saktan yung mga sarili natin.

Michaella:
Ikaw magfofocus kay Precious, ako magfofocus sa nanay ko

Michaella:
Magkanya kanya na tayo Matthew

Michaella:
Wag kang magalala bago natin itigil tong paguusap natin naisauli ko na lahat ng perang nagastos mo sakin

Pang M.U Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon