Chapter 23: Mahal

212 28 3
                                    

Rita's POV

"Bakit tayo nandito?"kunot noong banggit ko kay Ken at nilingon ang kabuuan nito.


"Hindi ba halata?"sabi nito na animo'y nangaasar.



"Ang pilosopo mo kung pinapunta mo lang ako dito para ihatid ka sige na alis na ko salamat ha"gigil na sabi ko dito at aalis na sana ng pigilan nya ko.



"Teka,hindi pa nga tayo tapos sa gagawin natin eh"nakangiting ani nito na ikinataka ko.


"Anong gagawin natin dito neng?"



"At dahil nandito tayo sa Art Studio ko at wala namang tao dahil pinaalis ko na sila at isa pa tayo lang ang magkasama.."pinaningkitan ko ito ng mata at hinampas ang kanyang braso.




"Aray bakit?"natatawang sabi nito.




"Ang baboy mo"



"Oy ano bang pinagiisip mo tuturuan kasi kitang magpinta.Ikaw ha yung iniisip mo,gusto mo bang gawin natin?"pangaasar nito sa akin na mas lalong kinais ko.



"Wala,wala kasi,tsaka ano tuturuan mo akong magpinta?"di makapaniwalang tanong ko dito.



"Oo naman diba sabi mo nga sa akin noon gusto mo ring magpinta?"oo sinabi ko sa kaniya iyon,ikinuwento ko sa kanyang nung dagat kaming dalawa.Sa totoo lang marunong akong magpinta nung bata pa ako isa yun sa pinakapaborito kong gawin.






"Ahm oo,pero diba hindi ka nagpapasok ng kung sino sino dito"





"Bakit kung sino sino ka ba?"nakangiting ani'ya at namula ata ako dahil sa sinabi niya.




"Huyy kinilig"pang aasar nito sakin.



"Anong kinikilig ka jan tss ano ba kas..."hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hinila nya ako ako at pinaupo sa upuan at inaayos ang kinakailangan sa pagpinta natuwa naman ako dahil doon.Habang tinititigan ko ang mga kagamitan nito ay iniabot sa akin ni Ken ang paint brush.




"Ito oh"sabi nito at kinuha ko naman ang paint brush ngunit ikinagulat ko ng hawakan nya kamay ko na nakahawak sa paint brush.




"Anong ginagawa mo?"



"Edi tuturuan kita,ano pa nga ba"sabi nito at nakatitig sa mga mata ko.Lumapit naman ako dito at nagsalita.





"Wala ka talagang tiwala sa akin noh,kaya nga gusto kong mag paint kasi marunong ako ng kaunti lang kaya bitiwan mo na"sabi ko dito sabay bitaw ng kamay nya sa kamay ko.




"Aray naman ang sakit nun hindi ka pa nga napapasaakin eh bibitawan na kita"sabi nito at hinawakan ang kanyang puso.




"Ang drama mo ano ba kasi yung ipapaint ko?"tanong ko dito.




"Diba kaya mo na?"pumikit ako at napabuntong hininga,ayoko ng makipagtalo dito sa chinoy na ito at ako nalang ang umiisip ng ipipinta ko.




"Ano yan?"takang tanong nito habang pinapanood ako.




"Kamay hindi ba halata?"pang aasar ko naman dito.




"Ikaw ha gumaganti ka na rin"sabi nito at tumawa.




"Bakit akala mo ikaw lang duh Rita Daniela ata toh"proud na sabi ko at napangiti.










~~~~~~~~

"Hala ang galing tapos na ako!"masayang sabi ko dito habang tinitignan ang napinta ko.



Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon