Chapter 36: Nasaan kana?

120 13 30
                                    

Rita's POV

"Gab,wala nabang naiwan jan?"malungkot kong tanong habang inaayos na ang aking bag na puno ng aking mga gamit dito sa tirahan na pinapaupahan namin.




Napagdesisyunan ko nang umuwi nalang upang makalayo kay Ken.Haist ang bilis naman ng panahon dati lang eh nagtatrabaho ako kay Ken bilang isang boss nang tumagal ay inamin ko sa kaniya na gusto ko siya,gayun rin siya.Naging kami ng iilang buwan tapos ngayon ay handa ko na siyang layuan.




"Wala ta.Pero meron pa pala"nagtaka naman ako sa sinabi nito.




"Ano naman yun?"walang gana kong tanong at tila ang boses ay paos dahil sa kakaiyak kagabi.Mugto narin ang aking mga mata.



"Yung puso mo"




"Anong-anong puso?"




"Yung puso mong iniwan mo kay Ken..dapat kunin mo na iyon oh wala na siyang karapatan sa puso mo"napailing naman ako sa sinabi niya .Nagpapatawa ba siya kaka iyak ko lang kagabi tapos si Ken na naman ang topic niya?





"Gab naman,wala na nakuha ko na yung puso ko okay?Nakisama na ako jan sa joke mo kahit ang corny tss"sarkastiko kong saad.





"Wala na bumalik na naman ang dating Rita'ng walang ginawa kundi ang maging bitter"kunwaring lungkot niya.





"Alam mo wala akong panahong tumawa man lang Gab.Kaya halika na baka may pumunta dito oh"pagmamadali ko at kinuha na ang aking mga bag.






"Sino naman ang inaasahan mo?"napapikit naman ako sa sinabi niya.Si Ken sana pero aasa pa ba akong pupunta siya para pigilan ako?eh halos isang langaw lang siya para pagtabuyan ko kagabi eh.





"Huy ba't naman nalungkot ka?Ang ibig kong sabihin kung inaasahan mong pumunta yung mga taong inutangan mo katulad nina Aling Karen huy may utang ka dun..ako din pala hehe tsaka si-"pinutol ko ang pag sasalita niya sabay hawak sa kamay niya at tuluyan nang lumabas ng bahay.Inilock ko ito at pinagmasdan muna ito sandali bago tumalikod na't bumaba ng hadan.





"Ano ba naman Rita masyado ka namang nagmamadali.Ang aga aga pa oh"iritang sabi niya.




Napahinto naman ako sa paghila sa kaniya ng may mapansin akong nakasandal sa pinto dahil nilingon ko ulit ito.




Binitawan ko muna ang pagkakahawak ko sa kamay ni Gab at naglakad muna pataas.




"Huy Daniela hello!.Ano may nakalimutan ka pa ba?"tanong niya ngunit hindi ko ito pinansin naka pokus lamang ang aking mga mata sa isang....




Painting?





"Kami ni Ken to ah.Ito yung niregalo niya sa akin kahapon.Pero bakit nandito?"hikbi kong tanong at kinuha ang painting na nakasandal sa tabi ng pinto.Niyakap ko naman ito.





"Ken..mahal na mahal kita"ngayon ay napahagulgol na ako dahilan para maging alerto si Gab at pinuntahan ako.Hinagod niya ang likod ko upang ako'y pakalmahin.




"Ta..shh tama na.Huwag ka munang umiyak ha?"



"Hindi ko mapigilan Gab..nandito parin kasi yung sakit naalala ko na naman yung nangyari kahapon"





"Gab tignan mo nga jan sa baba kung nandyan si Ken.Baka..baka nandyan siya kasi nandito yung painting baka binalikan niya ako..at pipigilan niya ako"umaasang sambit ko hindi mapakaling kulitin si Gab.




Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon