Chapter 30: Ring

179 20 31
                                    

Rita's POV

Nagising ako nang may marinig akong humihilik sa tabi ko.

Ay kabayo..Ken Chan?

Lihim akong nagulat nang makita ko ang mala prinsepeng mukha ni Ken...mahimbing ang tulog nito at nakasandal pa ang ulo sa balikat ko.

Pa'no na 'yan hindi ako pwedeng gumalaw dahil baka magising ito.

Malapit pa naman sa akin kaya ayun hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin.

Teka...bakit pala kami nasa ganitong pwesto?Ang naalala ko lamang ay pana'y kwento lamang siya kagabi habang nakahiga kami sa harap ng sasakyan at nakatitig sa mga bituin na nasa langit.Grabe madaldal pala ito hahaha.

At sinabi niya sa akin na kapag daw siya ang naging boyfriend ko ay hindi ako magsisisi at payag siyang mag pa under sa'kin wow ha.Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong salita na nanggaling mula sa lalaki yung iba kasi ayaw,matataas ego ng mga lalaki eh.

Bigla akong nabalik sa wisyo ng gumalaw si Ken,ibig sabihin na gising na ito kaya ako tong si nataranta nag tulog tulugan mahirap na baka sabihin niyang gustong gusto ko yung posisyon namin kaya hindi ko siya ginising.Duh mautak kaya ito.

Ilang segundo lamang ay umalis na si Ken sa pagsasandal sa balikat ko.Effective ata yung pag tulog tulogan ko dahil hindi niya ako ginising.

"Bakit naman nakangiti?"rinig kong sabi ni Ken.Luh ako ba yung tinutukoy niya?ako nakangiti?

"Mygosh nakangiti ba talaga?bwiset naman kasi Rita huwag mo muna kasi siyang isipin ayan tuloy nakangiti ka na"banggit ko sa aking isipan,huhu sana di niya mahalata na gising na ako.

"Hmm tulog ba talaga to?"tanong niya.Oo nga tulog,maniwala ka pls.

"Asus parang hindi naman"luh bakit siya ganiyan?kahit hindi nakamulat ang mga mata ko alam kong nakangiti siya at nakatitig sa akin huhu.

Ang sabi ko nga kanina ay mautak ako kaya nakaisip ako ng paraan upang maniwala itong tulog ako haha huwag ako Ken Chan.

Nag "Hmm"ako at kunwari ay mapapahiga.

"Uyy"sabi ni Ken kaya natawa ako sa isip ko haha.Nagulat ko ng hawakan niya ang magkabilang braso ko para iayos ako sa pag upo habang natutulog at sa hindi ko inaasahan ay kinuha niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya.

Hala hindi ganito yung plano ko!

Lihim kong iminulat ang kanang mata ko upang makita kung ano ang ginagawa ng chinoy na katabi ko.

At boom,huli ako dahil nakatitig siya sa akin Jusko po Lord why naman ganito?kanina paba siya nakatitig sa akin?wahh ayoko na.

"Sabi ko na nga ba na gising kana eh"sabi niya at tila ay natatawa.

"A-ano?"utal kong sabi na kunwari ay kagigising lang talaga.

"Ta huwag ako alam kong gising kana,tsaka nung nag tulog tulagan ka,kita ko yang ngiti mo kaya huwag ako"lahh linya ko yun ah.

"Luh ano ba!hindi nga"

"Huwag ka nang mag deny kaya lang naman nag tulog tulugan ka para makatulog ka lang dito sa muscle ko eh"aniya't ipinakita ang braso.

"Aba ang kapal teh eh wala naman akong nakikitang muscle hmp"

"Anong wala?eto oh"sabi niya at ipinakita talaga ang muscle niya daw.

"Oo na,meron na okay na"sabi ko tsaka inayos ang upo at tumingin sa bintana.Maaga na pala.

"Tsaka meron pa"hindi ko siya pinansin dahil sa totoo lang inantok pa ako.

Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon