Chapter 19: Bawi

201 22 8
                                    

Ken's POV

Napahawak ako sa ulo ng biglang sumakit ito."Shit"mahinang banggit ko sabay bangon sa kama ko.

Wait nakauwi ako?diba kagabi ay nasa opisina lang ako?lasing nga talaga ako.

Babangon na sana ako ng may yumakap sa bewang ko gulat kong tinignan kung sino ang katabi ko.


"Rita?"gulat kong sabi ngunit mahimbing itong natutulog,bakit sya nandito?may nangyari ba?

"Hey"aniko habang niyuyugyog ang balikat nito.

Nagulat ito at bumangon sa pag kakahiga at naupo at tinakip ang kumot sa kaniyang katawan.


"Wait bakit ka nandito?may nangyari ba?"derestong banggit ko dito at nahampas ako.


"Aray bakit?"tanong ko sabay hawak sa balikat ko na hinampas niya,wala ba?







Rita's POV

Ngulat ako sa sinabi nito na may nangyari ba sa amin at talagang sinabi nya pa iyon ha nakakainis pero bakit siya ang unang nagising dapat ako yun eh tuloy nag aakala na naman to.


"Syempre wala wag mokong igaya sa mga babae mo"sambit ko sabay irap.



"Sus wag kang mag alala wala na akong babae tanging ikaw lang"banat na sabi nito hindi ko alam siguro'y natutunog niya ang aking pag buntong hininga na waring maliliit na kuwitis ang pumupulas sa aking dibdib dahil sa kilig at baka'y mapansin nya ang namumula kong pisngi.


"Huy kinilig sya"pang aasar nito sa akin.

"Ano namang kilig dun sa siambi mo?"pag mamaang maangan ko.

"Eh tignan mo nga namumula yung pisngi mo tapos pati pag hinga mo ay nararamdam ko"hindi ko alam ang sasabihin ko na wari'y nahihiya dahil nakita nya pag kilig ko,bakit ksi sya ganoon?banat ng banat amp.


"Bahala ka nga jan kung ano ano iniisip mo"sabi ko sito at bumangon na sa kama nito.



"Oh san ka pupunta?"



"Aalis na bakit?"sabi ko dito na may halong pag tataray.



"Ligo muna tayo"nagulat ako sa sinabi nito,at sinabi nya talaga iyon argh.



"Bwiset ka Ken Chan!!!"gigil na banggit ko dito at kinuha ang isang unan at ibinato ito.



At yun tawa lang ng tawa nakakainis.

















Nandito parin ako sa condo ng chinoy nato inaya akong mag almusal syempre di nako tumanggi libre eh.

Andami talagang bahay noh may condo condo pa arte ha.

Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng condo nito malaki sya at maganda at may nakadikit ding mga paintings sa dingding nito.



Ngunit mayroon akong napansin bakit mas marami ang kulay itim kaisa sa makukulay na kulay ayaw nya ba iyon?o sadyang ganoon lang talaga ang mga obra nito.



"Gusto mo na bang dito tumira?"


"Ay manyak"gulat kong ani.


"Manyak na naman Rita?"seryosong sabi nito.

"Eh ikaw kasi basta basta nangugulat paano kung atakihin ako sa puso ha"nakabusangot kong sambit.

"Ok lang atakihin ka sa puso basta ba ako ang aatake sayo"wait hindi ko maintindihan.

Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon